Hensely's POV
" Sinabi ng dumusog ka eh."
" Baliw ka ba? Paano ko dudusog eh pinto na ang katabi ko? Tsaka ang laki-laki na ng space oh. "
" Arghhhhhh, bakit ba kasi kasama ka pa eh. Pwede namang kami na lang ni beshy. "
" Excuse me, ako ang unang pinuntahan hindi ikaw. Dapat kasi di ka na lang namin sinundo eh."
" Una kang pinuntahan kasi mas madadaanan yung inyo. Unggoy. "
" Baliw. "
Napatampal na lang ako sa noo ko habang pinapanood ang pag-aaway nila Ian at Janina sa likod. Hanggang ngayon parin pala aso't-pusa pa rin ang dalawang ito.
" Bakit ba kasi sumama ka pa? Tsk, di ka na lang nakipag-date doon sa Kate mo."
Narinig kong bulong ni Janina. Hmmmmm? I smell something fishyyyyy.
" May sinasabi ka ba? "
Tanong ni Ian. Nakita ko ang pamumula ng tenga ni Janina bago sumagot.
" Wala."
Humarap sya sa akin sa ako sinamaan ng tingin.
" At ikaw naman babae, nag-cr ka lang noon nawala kana. Tas pag balik mo may kasama ka ng uber yummy na papa."
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ian at ang pagsama ng tingin nito kay Janina.
" Tsk."
Ano bang nangyari sa dalawang ito noong nawala ako?
*****
" Are you hungry? "
Magkahawak kamay kami ni Xzeckiel habang si Janina naman ay nakahawak sa kabilang kamay ko. Nauuna namang maglakad sa amin si Ian.
" Medyo lang."
Nginitian naman nya ako at hinalikan sa noo.
" Ok, let's eat."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Janina.
" Respeto beshhhh, may single sa tabi mo."
Tinawanan ko lang sya bago tumingin kay Ian na nasa harapan namin.
" Ayan si Ian oh. Mukha namang may something na sa inyo eh."
Asar ko sa kanya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya bago umiling.
" W-wala no? Tsk? Something something ka dyan. Gutom ka na ngang talaga kaya tara na,kumain na lang tayo."
Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant. Gusto sana namin ay sa jollibee na lang kaya lang ay ayaw ni Xzeckiel at ni Ian . Nakita kasi nila yung grupo ng mga lalaki na nakatingin sa amin. Tsk. Problema ng mga yun?
Pagpasok palang namin sa restaurant ay napatingin na ang mga tao sa amin. Kahit saan naman siguro kami magpunta ay mapapatingin sila, sa gwapo ba naman ng mga kasama ko eh.
Nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa gawi ko. Medyo natatakluban ito ng mga tao. Kapansin-pansin din ang pilat sa kanyang leeg na parang gawa ng isang matalim na bagay. Parang.......sinaksak.
I gulped. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa itsura nya. Parang nakita ko na sya dati pero di ko alam kung saan. Yung aura nya ay naghuhumiyaw ng kasamaan.
" Love? "
Naagaw ni Xzeckiel ang atensyon ko kaya't tumingin ako sa kanya. Nakaupo na pala sila Ian di kalayuan sa amin at kami ng lang ang nakatayo malapit dito sa pinto.
" Who are you looking at? "
Tinignan ni Xzeckiel kung saan ako nakatingin kanina pero laking pagtataka ko ng wala na sya doon. Nagkibit-balikat na lamang ako at pumunta na din sa lamesa kung nasaan sila Ian.
" Beshh, grabeeeeeee. Ang mahal naman ng pagkain dito. Tignan mo ito."
Inilapit nya sa akin at inilapit sa akin ang menu.
" Grabe you spicy chicken wings nila dito. Diba kila Aling Lucia 150 lang yan? My gosh, 1500 dito besh. Nadagdagan ng isang zero."
Natawa nalang kami ni Ian habang nakatingin kay Janina. Para kasi syang bata na bumili ng tinapay tas kulang pala ng dos yung dala nyang pera.
" Don't mind the price. Just order what you want. It's my treat."
Sabi ni Xzeckiel pero hindi naman sya kay Janina nakatingin kundi sa akin. Naramdaman kong hinila nya ng bahagya ang upuan ko para mas magkatabi kami. Ipinulupot nya ang braso nya sa bewang ko kaya't namula ang mukha ko.
Magkatabi kasi kami sa upuan samantalang si Janina naman ang katapat ko. Kita kong parang nagpipigil sya ng kilig dahil kagat-kagat nito ang kanyang labi habang mahigpit ang kapit sa braso ni Ian. Napailing na lang ako ng makitang nakatulala lang si Ian sa braso nyang hinawakan ni Janina. Malakas na yata tama ng kaibigan ko.
Dumating na ang order namin. Umorder kami ni Janina ng spicy chicken wings dahil yung ang favorite namin. Si Ian naman ay tuna pasta samantalang si Xzeckiel ay umorder ng pork ribs at pork barbecue. Pansin ko lang, ang hilig nya sa baboy.
Akala ko ay makakakain na ako ng mag-isa ngayon pero mali pala ako. Susubo na sana ako ng agawin ni Xzeckiel ang plato ko. Tinanggal nya ang laman ng chicken wings at inilagay sa isang lalagyan at yun ang inabot sa akin. Ang mga buto naman ay nilagay nya sa isa pang plato. Kaya pala may extrang plato na ibinigay ang waiter kanina.
Nang matapos nyang tanggalin lahat ng buto, tsaka palang nya yung ibinigay sa akin. Laking pasasalamat ko na lang dahil hindi ko naman talaga yun makakain ng maayos. Paborito ko yun pero sumasakit ang ipin ko sa tuwing nakakagat ko yung buto kaya't hinihimay ko talaga yun. Teka? Paano nya nalaman?
" Paano mo nalaman na hinihimay ko yun bago kainin?"
He just smiled at me. Nilagay nya ang mga lalag na buhok sa likod ng tenga ko.
" I know everything about you, believe me."
Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o kilabutan sa sinabi nya.
Kakain na sana ako ulit ng magawi ang tingin ko sa lamesang di malayo sa pwesto namin. Nakaupo doon yung lalaking nakita ko kanina at mataam na nakatingin sa akin. Ngumisi ito sa akin na syang nakapaglakilabot sa akin ng sobra.
BINABASA MO ANG
His Obsession - COMPLETED
Romance" You're mine, little girl. Mine and mine alone."- Xzekiel Blood Konstantine Posted: December 19, 2019 Finished: April 14, 2020