Pagkababa namin sa helicopter ay agad akong namangha. Mula dito sa helipad na nasa taas ng building ay kitang-kita ang asul na dagat.Nawala ang iniisip ko kanina dahil sa ganda ng tanawin. Kinuha ni Xzeckiel mula sa akin ang bag ko at iniabot sa stuff ng hotel na nag-aabang sa amin dito sa rooftop.
" Let's go? "
Tanong ni Xzeckiel at saka inilahad ang kamay nya sa akin. Masaya ko naman itong inabot at lulukso-lukso pa akong lumakad. Hihihi! Ito ang unang pagkakataong makakaligo ako sa dagat kaya't sobrang excited ko.
Naliligo naman kami nila Mama noon pero sa ilog lang. Speaking of Mama, kamusta na kaya sila nila Tita? Na mimiss ko na sila. Kailan ko kaya sila makakasama ulit?
Sa kakaisip ko,hindi ko napansing nasa hagdan na pala kami susubukan ko sanang ipreno ang paa ko pero huli na dahil nahulog at napilipit ang paa ko. Agad akong napaupo sa sahig. Arghhh,ansakit ng paa ko.
" Fuck, are you ok? "
Ini-level ni Xzeckiel ang sarili nya sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Xzeckiel. Humarap sya sa isang baklang crew.
" Where is your clinic?."
Tinignan naman nito ang kanyang mapa na hawak. Sa tingin ko ay bago pa lang sya sa trabaho kaya't di pa nya kabisado.
" We are currently in the 20th floor and the clinic is in the 10th floor, Sir."
Mabilis naman akong binuhat ni Xzeckiel. Pinamulahan ako ng mukha habang buhat nya ako. Ramdam na ramdam ko ang matitigas nyang dibdib. Parang wala lang sa kanya ang pagbuhat sa akin. Kitang kita ko din ang pag-flex ng muscle nya dulot ng pagkakabuhat sa akin.
" Stop staring,love. "
He said with a smirk plastered on his face. Yumuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Ihhhh~ kailangan pa talagang pansinin yun?
Pumasok na kami sa elevator at ang kasama naming babaeng crew ang pumindot ng 10th floor na button. Bali anim kami ngayun sa elevator. 5 babae at 1 bakla.
Yung apat na babae ang may hawak ng mga bagahe namin samantalang dala naman ng bakla ang mga mapa at ilang pictures.
Nasa likod namin sila kaya't saglit ko silang sinilip.
Napansin kong nakatingin sa akin yung bakla. Nginitian ko na lamang ito at ngumiti din sya sa akin. Infairness,pogi sya. Bakla nga lang.
" Stop staring at my girl,mister. That is if you want to live longer."
Nakita ko kung paano tinakasan ng dugo ang lalaki at saka yumuko na lang. Mabilis ko naman hinampas ang braso ni Xzeckiel.
" Ang bad mo. "
Tinignan lang nya ako saglit.
" Remember this,Love. I can kill anyone if it's for you."
Narinig ko ang pagbukas ng elevator. Isiniksik ko na lang ang mukha ko sa leeg nya. Pakiramdam ko kasi yung dugong umalis sa bakla kanina ay napunta sa mukha ko.
Naramdaman ko ang malambot na bagay sa likod ko. Nasa clinic na pala kami at inihiga nya ako sa kama.
" You're so cute when you're blushing. You look like a tomato."
I glared at him. Inaasar pa talaga ko eh. Lumapit naman sya sa akin at itinapat ang labi nya sa aking tenga.
" And I love tomato, so much."
Sabi nya at saka dinilaan ang earlobe ko. Napalunok naman ako dahil sa ginawa nya. Bakit ang init yata?
" I can easily turn you on."
BINABASA MO ANG
His Obsession - COMPLETED
Romance" You're mine, little girl. Mine and mine alone."- Xzekiel Blood Konstantine Posted: December 19, 2019 Finished: April 14, 2020