Hensely's POV
Nagsisimula na ang klase ng biglang may kumatok sa pinto. Sabay sabay kaming napatingin sa pinto at nakita naming pumasok ang principal.
" GOOD MORNING, SIR."
Sabay sabay naming bati at saka umupo.
" Dito ba ang classroom ni Miss Hensely Faith Pastrana? "
Itinaas ko ang aking kamay. Bakit namana ko hinahanap ni Sir?
Ngumiti ito sa akin at lumabas na. Isinama din nya si Ma'am Suzy dahil may kailangan daw silang pag-usapan.
Nagtilian bigla ang mga kaklase ko ng may isang lalaking naka pang butler outfit ang pumasok sa loob ng room.
Teka? Si Alec yun ah?
" Good Morning, Madam Hensely."
Ibang-iba ang aura nya ngayon. Pati na rin ang pananita nya na kagaya ng kay Peppa pig. Ano bang nangyari sa kanya. Manghang tumingin sa akin ang lahat ng kaklase ko. Yung iba naman ay nagtataka.
" A-anong ginagawa mo dito, Alec? "
Takang tanong ko at saka tumayo.
" Mr. Konstantine told me bring your guards here. They will be the one who will look after you? "
T-teka? Guard?
Ipinalakpak nya ang kamay nya at may pumasok na guards. Wait mali. Guardsssssss pala. Bakit ang dami?
" T-teka? Bakit kailangan ko pa ng bantay? "
Nag hi-hysterical na sabi ko. Hinawakan naman ako ni Ian sa kamay para pakalmahin pero nagulat kami ng hawakan sya ng dalawa sa anim na guard.
" T-teka? A-anong ginawa ko? "
Gulat na tanong ni Ian. Pumalakpak si Alec kaya't binitawan sya ng dalawang guard.
" He's an exemption."
Lumakad palapit sa akin si Alec at kumuha ng alcohol sa bag.
" Your hand,Madam Hensely. "
Nagtataka man ay inilahad ko na ang kamay ko. Nilagyan nya ng alcohol ang parteng hinawakan ni Ian.
" Teka? Bakit kailangan nyan?."
Hindi na nya ako sinagot at nag bow na lang sya sa harap ko.
" Nakakailang."
Narinig kong bulong ni Janina. Nagtitinginan sa amin ang mga tao dahil sa mga guardsssssss na ito. Merong dalawa sa harap, tig-isa sa magkabilang gilid at dalawa sa likod. Nakarating kami sa canteen pero nakasunod parin sila sa akin. Sinubukan ko silang kausapin pero ni hindi sila tumitingin sa akin. Paano ko ba mapapaalis ang mga ito?
Ting
Tama. Sana gumana ito.
" Kuya, pwede po bang tawagan nyo si Xzeckiel? May gusto lang po akong sabihin."
Hindi tumingin si kuyang guard pero kinukuha nya ang phone nya at nag-dial. Maya-maya ay iniabot na nya ito sa akin. Sana talaga tumalab itong gagawin ko.
" Hello? "
Huminga muna ako ng malalim. Lord,gabayan nyo po ako.
" Hello, Xzeckiel. Gusto ko lang sabihin na salamat sa mga guards na pinadala mo. Ang ga-gwapo nila Hihihi. Crush ko na silang lahat. Yun lang, bye."
BINABASA MO ANG
His Obsession - COMPLETED
Romance" You're mine, little girl. Mine and mine alone."- Xzekiel Blood Konstantine Posted: December 19, 2019 Finished: April 14, 2020