Third Person's POVMalakas na hiyawan at musika ang maririnig sa buong coverd gym. Puno ng dekorasyon ang bawat paligid at maraming estudyante ang nagsasaya.
Ito ang araw ng pageant. Excited ang lahat samantalang si Hensely ay walang paglagyan ang kaba.
" Hensely, kumalma ka nga. Pati ako kinakabahan din eh."
Pagpapahinahon ni Ian kay Hensely. Hilong-hilo na kasi ito sa paglilikot ni Hensely. Hindi nyo naman sya masisisi sapagkat ito ang unang pagkakataong sumali---isinali sya sa isang pageant.
Tumingin si Hensely kay Ian na prenteng-prente na nakaupo sa kanilang monoblock chair. Suot na nito ang kanyang costume.
Berde ang kanyang mga buhok. Gulo gulo ang make up sa mukha at nakasuot ng violet na polo na pinatungan ng green na coat. Hindi maipagkakailang nangingibabaw ang kagwapuhan ni Ian sa lahat. Kahit ang mga babaeng kasama nila sa loob ay nasa kany---kanila ang tingin.
Ibang-iba kasi ang itsura ni Hensely. Bagay na bagay sa kanya ang kulay ng buhok ni Harley Quinn. Hindi nga lamang sya komportable sa gula-gulanit na damit at sa maikling short. Naka net stockings din sya.
" Ok guys, magsisimula na tayo in 5 minutes. Mag handa na kayo."
Lalong kinabahan si Hensely. Parang gusto na lang nyang umalis sa lugar na iyon. Ngunit sigurado syang magagalit ang mga kaklase nya pag ginawa nya yun.
Sa kabilang dako naman ay nakaupo si Mr. Konstantine sa lamesa ng mga hurado. Hanggang ngayon ay hindi nya pa din alam na kasama si Hensely sa mga iju-judge nya.
Nilibot nya ang kanyang paningin, nagbabakasakaling makita nya ang dalaga.
" ARE YOU READY MAPALAD HIGHSCHOLLLLLLL."
Dumagundong ang hiyawan at nagtayuan ang mga estudyante. Hindi naman napigilang maiinis ni Mr. Konstantine. Isa sa mga ayaw nito ay ang magulo at maingay. Kung hindi lamang dahil kay Hensely ay hinding-hindi sya pupunta sa mga ganitong lugar.
" The long wait is over. Let's welcome our 2019 candidates for the English Literature King and Queen. "
Nagsimula na ng lumabas ang bawat kandidato. Sa una ay lahat sila ay lalabas. May nag costume ng Elsa ang Jack Frost, may cat woman din at marami pang iba. Ngunit mas lumakas ang dagundong ng gym ng lumabas si Hensely. Hawak nito ang bat sa kanyang kamay. Kahit kinakabahan ay sumunod sya sa mga kasama.
Nahigit ni Mr. Konstantine ang kanyang hininga. Kumuyom ang kanyang nga kamay sa galit. Bakit hindi man lang sinabi ng mga inatasan nyang mag bantay kay Hensely ang tungkol dito? Kitang-kita ni Mr. Konstantine ang bilugang hita ng dalaga dahil sa iksi ng suot nito. Humilera na ang mga babae at sumunod namang lumabas ang mga lalaki.
Lalong nag alab ang galit nito ng makitang si Ian pala ang kapareha ng dalaga. Rumampa si Ian na puno ng confident. Pumwesto na ang mga lalaki sa likod ng kanilang kapareha para sa opening dance.
" Kinakabahan ako."
Pasimpleng sabi ni Hensely kay Ian.
" Ako din eh, pero kaya natin to. Ang ganda at gwapo kaya natin."
Bulong nito kay Hensely at sabay silang humagikgik.
Hindi ito nakawala sa paningin ni Mr. Konstantine. Gusto na nyang umakyat sa stage at hatakin ang dalaga ngunit pinipigilan nya nag sarili. Ayaw nyang may makaalam na ito ang kahinaan nya.
Tumugtog na ang musika at nag simulang sumayaw ang mga contestant. Humawak si Ian sa bewang ni Hensely at binuhat ito. Nakakapit nman si Hensely sa mga batok ni Ian.
BINABASA MO ANG
His Obsession - COMPLETED
Romance" You're mine, little girl. Mine and mine alone."- Xzekiel Blood Konstantine Posted: December 19, 2019 Finished: April 14, 2020