Chapter 21
Fatima's POV
Mag a-apat na buwan na akong nag di-diet pero heto ako, bagsak na ang katawan ko. Joke lang yung sakto nalang.
“F-fatima? I-ikaw ba talaga yan?” di makapaniwalang tanong sa akin ni Mila. Parang tanga naman ang isang toh!
“Hindi magnanakaw ako oh heto kutsilyo ihahagis ko sayo.” sarkastikong sabi ko sa kanya. “Tse! Ke aga-aga ang init init ng ulo mo! Meron ka!?” napailing nalang ako.
Look who's angry. “E ikaw naman kasi e, alam mo ng ako toh tapos tatanungin mo pa!” pagsusungit ko at ipinagpatuloy na ang paghihiwa ng sibuyas.
“Ewan ko sayo!” umupo siya sa harap ko at pinagmasdan lang ako. “E kayo ni Cole... kumusta na kayo?” mapanuksong tumingin siya sa akin.
Napangiti naman ako. Inaya niya kasi akong lumabas ngayon kaya ngayon ko na din siya...SASAGUTIN. Sa loob ng halos isa't kalahating buwan na panliligaw niya doon ko napatunayan na seryoso talaga siya!
“Ay ang taray! May pamula-mula at pangiti-ngiti pa ang Lola! So ano nga? Kayo naba?” pagtatanong niya habang tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko.
“H-hindi pa pero mamaya, sasagutin ko na siya.” ngumiti ako ng malawak at nag ti-titili naman ang isang ito. “Ayieeee!!! Kinikilig ako!!!” sigaw pa niya. Sakto namang pumasok si Mama sa kusina.
“Hmm...tama ba ang narinig ko?” matukso rin itong si mama e, hays nako! “O sige bukas dalhin mo siya rito, para naman pormal ko na siyang makilala bilang boyfriend ng kaisa-isang anak ko.” niyakap pa ako ni mama at ganun din naman ako.
“Masaya ako para sa iyo anak.” tumingin siya sa akin at hinalikan ang noo ko. “Thank you ma.” parang gusto kong maiyak ha. Kung nandito kaya si Papa...ano kayang magiging reaksiyon niya?
“Oh siya sige maligo ka na ako na ang mag papatuloy niyan. Mila alam mo na dapat ang magi-ging itsura na anak ko okay?” sumaludo naman sa kaniya si Mila at itong Mila naman ay hinila ako papunta sa taas.
“Anong pina-plano niyo ha?” nakapamewang na tanong ko sa kaniya pero tinulak lang niya ako sa banyo.
Pagkalabas ko sa banyo ay agad niya ako pinaupo sa upuan at tinanggal ang tuwalya sa ulo ko.
Inayos niya ang wavy kong buhok, may kung ano-ano siyang inipit pero naiwan ang bangs ko, pagtingin ko sa salamin napanga-nga ako.
Bakit ang ganda ko!? Huhuhu!!
“Magbihis ka muna bago kita ayusan. Oh heto binili ko iyan para sayo.” inabot niya sa akin ang blue na dress.
“Sure ka bang kasya sa akin ito?” nag-aalangang tanong ko. “Oo naman! Mygaddd! Ang bilis mong pumayat Fatima!” pinunasan pa niya kunwari ang peke niyang luha.
“Salamat, dahil kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko naman magagawa ang lahat ng ito.” itinuro ko pa ang sarili ko.
“No problem. Sino-sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang din naman.” niyakap ko siya ng mahigpit.
Wala man ang akong kapatid meron naman akong pinsan na sobrang bait. Ayt teka mabait nga ba?
“Sige na! Baka ma-late kapa sa date niyo noh!” sabi pa niya at agad naman akong pumasok sa banyo para isuot ang dress ko.
Kasya naman pala sa akin e. Akala ko kasi hindi. Lumabas agad ako at parang nag-niningning ang mata ni Mila habang nakatingin sa akin.
“Omaygass! Ikaw ba talaga yan!? Ang cute at ang ganda-ganda mo talaga! Ang galing ko humanap ng dress noh? Bagay na bagay e!” proud na proud na sabi pa niya.
YOU ARE READING
That Fatty Girl Rivera Series#1
Teen FictionFatima Reign Arcanghel, a chubby girl who's life is simple. Her father left them for another woman, she manage her life with her mother most of the time. Being chubby is not bad, but it's only for her...society being society is suck. Started: Janu...