That Fatty Girl
Chapter 26
Reighnity's POV
Tiningnan niya lang ako pagkatapos nong tinanong ko. Wala na akong pake kung tama o mali itong sinasabi ko pero kasi...dalawang taon akong nangulila sa kanya.
Hindi ko naman siya magawang ipaglaban dahil hindi naman niya ako natatandaan. Ngayong nandito na a-atrasan ko pa ba?
“Cole don't listen to her. Paano si Fatima!?” sigaw naman ni Aaron. Nakita ko kung paano manggilid ang kanyang luha, mamula at manginig dahil sa galit.
Tumingin ulit ako kay Cole pero yumuko lang siya habang umiiyak. “T-talagang...talagang! Aish! Ano to gaguhan!? Cole! She is your past and past is past! Paano na si Fatima!? Hahayaan mo nalang siya na masaktan!? Bullshit!” nanalilisik na sigaw nanaman ni Aaron at this time kusa ng tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib kaya napa-iwas ako ng tingin.
Pero hindi rin nagtagal ay bigla siyang umalis.“Cole tara na.” malamig na sabi nung lalaking kaninang nagtatanong kung ano ba ang masakit sa kanya. Tumingin lang sa kanya si Cole at umiling habang umiiyak parin.
Bakit pakiramdam ko ay hindi na dapat ako nagpakita pang muli sa kanya? Ayokong nakikita siyang nahihirapan.
Masyado ba akong naging desperada? “Reigh...” nag-angat ako ng tingin sa kanya. Dalawang taon...dalawang taon kong hindi narinig sa kanya ang pangalan ko ngayon nalang ulit.
“I-im sorry...” and for the second time my heart breaks into pieces but with the same man and with the same reason. “Im sorry but I already love her. I already love someone—” I stop him.
“I-it's okay...I'm okay.” unti-unti akong umatras mula sa kanila. Hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol.
Sobrang sakit...ang sakit sakit!!! “Reigh!” narinig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko na nagawang lumingon pa. Pumunta ako sa motor ko at mabilis na pinatakbo ito.
Bigla kong naalala si Aaron. Ahhhh!! Ano batong ginawa ko!? Alam kong nasaktan ko siya! Nasaktan siya ng dahil sakin!
Bakit ba sobrang lupet ng mundo!? Nasaktan ako ng taong mahal ko, nasaktan ng taong mahal ko ng palihim ang mahal niya, nasaktan ko ang taong walang ginawa kung hindi ang protektahan ako. Lupet diba? Sana bangungot nalang lahat ng ito. Sana magising na ako.
Cole's POV
Tumakbo siya papalayo sa akin. I called her name multiple times pero hindi na niya nagawang lumingon pa.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kanilang lahat, kila Jack, Lath at kila Wilson.
“You did the right thing Cole. Hindi naman magkakaganon si Aaron kung hindi niya gusto si Reighnity, at hindi naman hahayaan ni Aaron na siya lang yung mahuhulog sa kanilang dalawa. Saka ramdam ko na...guilty nalang din naman ang nararamdaman mo kay Reighnity hindi ba?” mahabang salita ni Jack.
Guilty na nga lang ba itong nararamdaman ko? Siguro dahil simula noong banggitin ni Aaron si Fatima siya nalang din ang naging laman ng isip ko.
Iniisip ko...paano kung iwanan ko siya? Sinong magliligtas sa kaniya? Sino ang gagabay sa kanya sa mga problema niya about sa family niya? Iniisip ko palang na iiyak siya at walang kasama nadudurog na ang puso ko.
“I know. Pero hindi ko alam kung guilty na nga lang ba talaga ang nararamdaman ko kay Reigh. N-naguguluhan ako!” usal ko.
“Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon mo ganyan din ang mararamdaman ko. Pero Cole kung pipiliin mong balikan si Reighnity, makakaya mo bang mawala si Fatima?” pagtatanong ulit ni Jack.
YOU ARE READING
That Fatty Girl Rivera Series#1
Teen FictionFatima Reign Arcanghel, a chubby girl who's life is simple. Her father left them for another woman, she manage her life with her mother most of the time. Being chubby is not bad, but it's only for her...society being society is suck. Started: Janu...