Chapter 14

785 35 0
                                    

Chapter 14

Fatima's POV

Dumaan na ang isang linggo pero hindi parin kami nag papansinan ni Jonas. Sabado ngayon kaya naman nasa gym ulit kami ni Mila at todo ako sa exercise.

Hindi ako kumikibo at focus na focus ako, lalo na kapag naaalala ko ang mga nangyari samin ni Jonas.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap. Yumuko ako at patuloy sa ginagawa. “FATIMA REIGN!!” nagulantang ako kaya aksidente akong nagtumba.

Agad na lumapit sa akin si Mila at tinulungan akong makatayo. “Are you okay!?” tumango lang ako sa kanya. “Kanina pa kasi kita tinatawag! Magpahinga ka naman! Pero mukhang wala ka sa sarili mo!” tumingin ako sa kanya, mukha talaga siyang nag-aalala.

“A-ayos lang ako noh.” mahinang sabi ko. “Rest ka muna. I'll get you a water to drink.”  tinanguan ko lang ulit siya.

Umupo ako sa sahig habang hinahabol ang hininga. Sakto namang nahagip ng mata ko ang timbangan kaya dali-dali akong tumayo para makita kung gano na ang nabawas ko.

Namangha naman agad ako. Mula sa timbang ko na 250 ay naging 205 nalang... tatlong linggo palang ako nag simula mag diet pero ang bilis, siguro ay aabot nga talaga ako sa graduation.

Well...I can't wait. Lumabas muna ako sa nirentahan ni Mila para makapag pahangin sa labas. Nasaan na ba kasi siya? Tubig lang ay kala mong kung saan nag punta!

Pumunta muna ako sa may coffee shop. Mag i-ice coffee na lang siguro ako para mahimasmasan man lang din ako.

Agad akong pumila para umorder. Tapos na akong umorder at sabi ay dadalhin nalang daw niya ang coffee ko sa table ko.

Naghahanap ako ng table ng magtama ang paningin namin ni...Jonas. Agad akong umiwas at saktong nakita ako ng table sa tabi niya.

I tried finding anotherther seat pero wala na talaga. I have no choice but to go kung saan katabi ng table niya.

Nilibang ko nalang ang sarili ko habang naghihintay. Pero laking gulat ko ng biglang tumayo si Jonas at lumingon sa akin.

“F-fat...” nauutal na sabi niya. Inosente naman akong tumingin sa kanya. I don't wanna be mean to him, he is still my bestfriend!

“Y-yes?” pagtatanong ko. “C-can I join you?” noong una ay hindi ko pa maproseso ang sinasabi niya pero kalaunan ay nahimasmasan din ako saka tumango.

Anong balak neto?

Tiningnan ko lang siya na naupo sa harap ko. “I just wanna clear some things...” seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. “A-ano yun?” nauutal na tanong ko.

Why am I even stuttering!?

“Bakit mo ginawa kay Stacey yun?” agad akong napanganga sa sinabi niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, gusto kong sabihin kung paano ako sinet-up ni Stacey! Lahat! Lahat ng kabalastugang ginawa niya sa akin!

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko ginawa yon at kahit kailan ma'y hinding hindi ko gagawin yon.” seryoso pero maowtoridad kong sabi.

“Then ano yun?” halatang pinipigil niya ang inis niya. Napapikit nalang ako. Kalma Fatima just fvcking calm! Hindi ngayon ang tamang panahon para sabihin mo ang lahat.

Sakto naman ay dumating na ang order ko. Kinuha ko iyon at tumingin kay Jonas. “I'll tell you everything, but not now.” tipid ko siyang nginitian at saka umalis.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now