Chapter 32

526 22 0
                                    

Chapter 32

Fatima's POV

“My gising na.” napakunot ang noo ko at nagbalot ng kumot. “Aish! My kanina pa kita ginigising ha!” ano ba naman yan! Hanggang sa panaginip ko galit si Cole! Tsk tsk tsk!

“Ah ganon sige, hindi ka na mag ta-training. Well mas okay nga iyon para kami nalang ang gagawa ng plano.” agad akong napadilat sa ilalim ng kumot.

Bumangon ako at nag dire-diretso sa banyo. “Diyan ka lang Dy! Mabilis lang ako!” sigaw ko at sinimulan ng maligo.

Pag-katapos kong maligo ay syempre sa loob na ako ng banyo nag bihis. Sa loob ng banyo doon nakalagay ang walk in closet ko. Oh ano? Akala niyo magpapakita ako kay Cole ng naka tapis lang ng tuwalya? Tss! Hindi noh!

Namili ako ng susuotin ko. Dahil nga pumayat ako konti palang ang damit na nabibili ko para sa akin. Kaya ang susuotin ko muna ay fitted na long sleeve na turtle neck na puti tapos pinatneran ko ng leggings na black, ano gets niyo ba? Bahala kayo!

Tinirintas ko na rin ang buhok ko bago lumabas. At bago ulit lumabas tumingin muna ako sa salamin. “Okay na to.” ngumiti pa ako sa sarili ko sa salamin. Lah parang tanga.

At tuluyan na nga akong lumabas sa banyong iyon. “What took you—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya at iyon ay hindi ko alam kung bakit.

Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. “Ano? Bakit ganyan ka makatingin?” pagtatanong ko. “A-ano ba yang suot mo? M-masyadong attractive.” nauutal na sabi niya.

I smiled. “Ayos lang naman ah? Kesa naman magsuot ako ng spaghetti strap—” nilingon niya ako ng nanlilisik ang mga mata.

“Anong sabi mo??” sabi niya habang lumalapit sa akin. “Ang saba ko kesa naman kako mag suot ako ng spaghetti—” hindi na ako nakatapos dahil ginulo niya ang buhok niya.

Problema nitong ugok na to?

“Uulitin mo pa talaga e noh? Halika na nga!” sigaw niya at hinila ako papalabas ng kuwarto ko. “Teka Dy anong oras na ba?” pagtatanong ko pagkatapos humikab.

“3:07 kanina pa ako ditong 2 akala ko gising ka na. Diba sabi ko sayo kahapon 2 ang gising??” istriktong sabi niya, napanguso naman ako.

“E anong oras nadin kasi akong nakatulog e.” sabi ko habang nagpakalad-kad sa kanya sa kotse niya. Pagkarating namin sa harap ng kotse niya binitawan niya ang kamay ko at hinarap ako ng nakapamewang.

“Bakit anong oras kabang natulog? Huh?” nakataas ang isang kilay niyang nagtatanong sa akin. “Ah...ano 1?” di siguradong sagot ko.

“What the fvck!? One!? Seriously woman!?” sigaw niya. “Anong ginagawa mo magdamag!? May pa text-text ka pang matutulog kana tapos malalaman kong one ka natutulog!?” sigaw nanaman niya.

“Woi ngayon lang naman ako natulog ng one!” sigaw ko din sa kanya. “Ah basta! Anong ginagawa mo naman ha!?” sigaw nanaman niya.

“Nagbabasa lang ako ng Wattpad!” sigaw ko din. “Wattpad!? What the fvck is that!?” sigaw din niya. I rolled my eyes. “Wattpad! Kung saan nag e-exist ang mga asawa ko!” sigaw ko ulit.

Bumilis ang pag-hinga niya at nagsimula nang mamula ang kanyang mukha. “Tangina! Fatima all this time minamahal kita tapos malalaman kong may asawa ka na!? Tapos madami pa!?” galit na galit na sigaw niya.

“A-ano bang sinasabi mo?” napatawa nalang ako habang nakahawak sa tiyan ko. Nanlilisik nanaman ang mata niyang nakatingin sa akin.

“Tuwang-tuwa ka pa hano? Tuwang-tuwa kapang nakikita akong ganito!?” sigaw nanaman niya. This time ako naman ang nagseryo at lumapit sa kanya.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now