Chapter 36

569 18 0
                                    

Chapter 36

Cole's POV

Halos lahat ng empleyado ni Dad ay nakatingin sa amin habang dumadaan kami sa bawat hallway patungo da restaurant dito mismo sa loob ng kompanya.

Because Dad was already old nahihirapan na siyang magpabalik-balik sa iba't ibang resto kaya heto nagpatayo siya ng restaurant sa loob ng company.

Pagkarating namin don ay nakahalukipkip na siya at panay ang tingin sa kanyang relo. Napatingin tuloy ako kay Fatima na nakatingin na din pala sa akin ngayon.

Pareho kaming nag pi-pigil ng tawa dahil tiyak na pareho rin kami ng iniisip. Pagkalapit namin sa kanya ay niyakap pa niya ako at si Fatima. I glared at him for that and he just chuckled.

Nang makaupo na kami ay mabilis pa sa alas kuwatro ang pag-iba ng timpla ng mukha niya. “So mind to tell me kung bakit alas tres na kayo nakapunta? It's past lunch already. Ayoko naman naging disrespectful dahil nauna akong kumain.” taas kilay na panu-numbat niya.

Nagkatinginan kami ni Fatima at kita ko ang pamumula niya. “Masyado kasi kaming nasarapan e.” wala sa sariling nasabi ko at dahil doon sinipa ako ni Fatima sa ilalim ng lamesa.

“Huh? Nasarapan so kumain na pala kayong dalawa edi sana—” agad siyang pinutol ni Fatima. “Ah tito ang i-ibig pong sabihin ni Cole is masyado kaming nasarapan sa training kaya...” napakamot pa siya sa kanyang ulo.

Napailing nalang ako sa view. Yes, her simple actions make me want her to kiss more. Pero dahil alam kong naiinis siya sa akin ngayon hindi ko muna gagawin iyon.

Parang kabayo kung manipa sa ilalim e. “Training?” ah hindi pa nga pala alam ni Dad ang lahat-lahat na nangyayari sa amin.

“Dad remember when she got admitted to the our hospital? Doon may pumukpok sa kanya ng upuan tapos may nag ba-banta pa sa buhay niya kaya nag tre-traning kami. In case na may sumugod sa kanya at wala ako kahit na hindi naman mangyayari iyon.” pagpapaliwanag ko.

“Oh? E bakit hindi niyo nalang ireport sa police?” tanong ni Dad. “We still need some evidence. Kaya habang naghihintay kami sa isa pang hakbang ng baliw na babaeng iyon pinag tre-traning ko muna siya.” sabi ko.

Tumango si Dad. By the way Dad knows na I'm a gang leader. Noong una ay hindi siya pabor pero kahit na anong sabihin nila hindi ko gagawin. Kailan ba ako nakinig sa kanila? Tsk!

“Let's eat bago tayo mag kuwentuhan. Sobrang gutom na ako.” sabi nito at tumawag ng waiter.

Lumingon ako kay Fatima, nakita kong may pinag ma-masdan siyang kung ano kaya sinundan ko ang mga tingin niya. And...that fvcking guy.

“Wait Dy...cr lang ako.” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “What? No stay here.” sabi ko at kumunot bigla ang noo niya. “Sira ka ba? Anong gusto mo? Maghubo ako dito at dito magkalat?” sumbat niya.

Ofcourse not! Ako lang dapat ang nakakakita ng katawan niya hano! “Go bilisan mo ha?” sabi ko at dumiretso na siya sa Cr.

Tiningnan ko naman ang lalaking tinitingnan niya kanina at wala na ito sa kanyang puwesto. Fvck! Nasaan na iyon!? Aish! Hindi pa nga tapos si Stacey e! Paano pa kami ikakasal ni Fatima!?

Siguro mas mabuti kung mag ci-civil wedding nalang kami, yung tipong kami lang muna ang nasa kasalan saka na namin uulitin ang kasal kapag patay na ang dalawang taong ito.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now