Chapter 28

658 24 0
                                    

Chapter 28

Fatima's POV

7:34 na ng gabi kaming nagising ni Cole. Sobrang napagod yata kami sa mga nalalaman namin kahapon kaya ayun...daig pa namin ang nakainom.

Pag-gising ko naman ay agad akong nagpa-alam na mag go-grocery lang ako para sa hapunan pero hindi niya ako pinayagan.

Siya nalang daw ang bibili at magluluto para sa amin. Tumango nalang din ako at napagpasyahang maiwan nalang dito.

Naalala ko tuloy gabi na at tinatamad naman akong umuwi kaya... napagisipan kong I text nalang muna si Mama na hindi muna ako uuwi at kila Cole nalang muna ako matutulog.

To Mudra:

Ma hindi muna ako uuwi, sa bahay nalang muna ako ni Cole matutulog. :-)

Pagkatapos ng dalawang minuto ay nag reply na agad siya.

From Mudra:

I already know. Pinagpa-alam ka na sa akin ni Cole kanina. Enjoy~ ;-)

Namula naman ako sa reply niya. Ano naman kaya ang iniisip ni mama!? Aish!! Napailing nalang ako at hindi na siya ni-reply-an.

Umupo ako sa sofa niya sa sala at nanood pero nabo-boring talaga ako. Napalibot ang tingin ko sa bahay niya.

Bakit hindi ko muna tingnan ang kabuuan nito? Yes tama! Para hindi naman ako ma bored hano!

Mabilis akong tumayo at naglakad papuntang taas kung nasaan ang kuwarto niya.

Pero siyempre nakita ko na iyon kaya nilagpasan ko iyon at sinilip ang katabing kuwarto.

“Guestroom.” mahinang usal ko at isinarado di ko agad ang pinto. Pumunta ulit ako sa katabing kuwarto and it turned out to be...a library?

I didn't know that he's into books? Hehe hindi naman kasi halata e. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok at agad na iginala ang mata ko sa loob.

Napa ‘wow’ nalang ako dahil ang daming libro dito. Sa pag-gagala ko ng tingin... something caught my eyes.

It's a sculpture of a falcon. Natuwa at namangha ako kaya dali-dali ko iyong nilapitan.

“Ang astig!” manghang ani ko at somehow ay kinuhanan ito ng litrato. Pero may nakita akong kumikinang sa bandang paa nito kaya mas lalo akong lumapit rito.

It's a ring...a golden ring to be exact. Napansin kong medyo madumi iyon kaya pinunasan ko gamit ang thumb ko.

Pero ganon nalang ang naging gulat ko ng bigla itong bumaon na parang buton at ang dalawa sa mga shelves ay biglang nagbukas.

Tiningnan ko lang iyon habang nakahawak sa dibdib ko. Shet hindi yata ako makakarecover sa pagkabigla.

Totoo pala talaga ang mga ganito? Akala ko ay sa palabas lang merong ganito. Pero ano naman kaya yung nasa loob nito? Another library din kaya??

Out of curiosity agad kong pinasok ang kataka-takang lagusan na iyon. Oh my gad! Hindi kaya isa itong portal papuntang wattpad world!? My gashhh!!!

Makikita ko na sila Jeydon!? Deib!? Elijah!? Knight!? Lysander!? At marami pang iba!? Oh my! Handa kong talikuran ang bituin ng buhay ko kung ganon.

Pero syempre joke lang. Mas matimbang parin syempre ang Cole ko noh! Titingnan ko lang talaga kung ano ang nasa loob nito.

Pagkapasok ko ay agad nanindig ang balahibo ko mula paa hanggang batok. “W-woah...” umikot ako nang dahan-dahan habang naka nganga.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now