Chapter 30

668 24 0
                                    

Chapter 30

Reighnity's POV

Mag hahapon na pero hindi parin siya nagising. Sabi ng doktor ay dahil daw ito sa sobrang pagod kaya ganyan. I swear once na magising to susugudin ko agad ang babaeng iyon.

Bakit kailangan pa niyang mandamay ng ibang tao!? Bakit hindi nalang ako ang saktan niya e sakin naman siya galit diba!? Aishh!!!!

Tinitingnan ko lang siya. Alam kaya ng mga magulang niya ang mga nangyayari sa kanya? Tulad nalang nung dati, yung nakita ko siyang binubugbog ng mga lalaki? Alam kaya yun ng mga magulang niya?? Tss...

"Hoy lampa! Gumising kana nga diyan!" sabi ko sa natutulog na Aaron. "Saan mo ba kasi balak na magpunta ha?! Bakit nandon ka sa bakanteng lote? Nasaan yung kotse mo?? Tss!" baliw na kung baliw e alam ko namang nadidinig din naman ako niyan.

"Pag sa babae ang lakas tumira! Nakakabwisit!" I rolled my eyes. Totoo naman e! Kung makahalik sa ibang babae akala mong gutom na gutom at daig pa ang panadero sa paglamas ng dibdib ng iba! Argh!! Naiirita ako kapag naiisip ko siyang ganun.

Tumayo ako at pumunta sa mini ref na nandito sa loob nang makaramdam ako ng uhaw. I was about to pour some water on my glass when someone back hug me.

Shit!

"Hey baby..." napapikit ako dahil sa lambing ng boses niya. Halatang nanghihina pa siya kaya dali-dali kong binitawan ang pitsel na hawak ko at pilit na kumawala sa yakap niya pero hinigpitan niya pa itong lalo.

Oh let me correct what I've said earlier. Hindi siya nanghihina, malambing lang talaga ang boses niya. "Bitaw Aaron. Bumalik ka sa kama mo! Baka mapano ka pa!" sigaw ko pero hindi man lang siya kumilos.

"Aaron." nagbabantang sambit ko sa pangalan niya kaya agad siyang kumalas. Agad ko siyang inalalayan pabalik sa kama niya.

"Ang tigas naman talaga ng ulo mo hano? Sugatan ka pa nga nakukuha mo nang lumandi!?" gigil na ani ko sa kanya.

He just look at me and give me his famous smirk. "Di mo ba ako miss baby?" I look away. "A-ano bang sinasabi mo diyan?" shit! Why am I stuttering!?

"I know that you miss me bakit hindi mo sabihin sa akin huh?" napairap ako. "Unggoy! Saglit lang tatawagan ko lang sila Cole, tutal uwian naman na. Diyan ka lang ha!? Lagot ka talaga sa akin kapag sumuway ka!" utos ko sa kanya at lumabas muna ng kuwarto niya.

I dialed Cole's number at agad naman niyang sinagot iyon. "Hello? Bakit? May problema ba?" tanong niya. "Wala, actually it's a good news. Gising na siya." sabi ko.

"Oh okay papunta na kami diyan." pagkasabi niya non ay binaba na niya agad ang tawag. Pumasok nadin naman agad ako sa kuwarto niya at naabutan ko siyang nakasandal sa head board ng kama.

Umupo ako sa upuang katabi niya at tiningnan siya. "Tell me, saan ka nila natagpuan?" pagtatanong ko.

"I was about to go in to a flower shop, ibibigay ko sana yung bulaklak na mabibli ko don pero biglang may humila sa akin at pinasok ako sa van. Tapos dinala ako sa isang bodega at doon na ako pinagbu-bugbog." simpleng paliwanag niya.

Pero tama ba ang narinig ko? Kaya siya nasa flower shop ay dahil sa akin? Napapikit ako sa naisip ko. "N-namukaan mo ba kung sino ang mga bumugbog sa iyo?" tanong ko.

Umiling siya. "No, all of them are wearing a mask kaya wala akong namukaan sa kanila." seryosong sabi niya.

"Bakit kaya nila ginawa sa akin iyon? At sino naman ang nag-utos sa kanila non?" clueless na tanong niya. I sigh deeply.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now