MOVIE TRAILER

6.8K 256 12
                                    

Third Pov:

"Itakas mo na ang anak natin!!"
Sigaw ng isang lalaki bago sya nasaksak sa tagiliran
Dali-dali naman ang babae na kinuha ang sanggol at tumakbo tungo sa dagat at lumangoy ng pagkabilis-bilis para di sila maabutan.

Merong kasing mag-asawa na tao at taong isda pero tawagin na lang natin sila sa english ni mermaid
Nagmahalan silang dalawa at nagpatayo ng maliit na bahay malapit sa dagat.

Ang lalaki ay syang tao at ang babae ay syang mermaid
Nagkakilala sila sa tabi ng dagat ng minsa'ng nalasing ang lalaki, ang dahilan ay dahil sa babaeng kanyang iniibig, naghanap ang babae ng iba at ang masaklap kaibigan pa ito ng lalaki
Kaya naglasing ito at nagpakalayo-layo, tinangka ng lalaki na magpakamatay na lang sa dagat pero iyon na pala ang oras na ang ibinigay ng may-kapal para magkita ang magkaibang mundo.

Sa una ay natakot ang lalaki pero di nagtagal bumalik ito sa dagat at hinanap ang babae
Nagkakilala sila sa isat-isa at dahil na rin sa mermaid na iyon ay nagkabati-bati silang lahat ng dati nyang kasintahang babae at ang lalaki na kanyang kaibigan

Pagkatapos ang isang buwan na pagsasama
Nagkaroon ng paa ang mermaid at pinakilala naman ito ng lalaki sa kanyang ina at ama kahit na sila ay pamilya na may yaman na di mapapantayan di parin maiiwasan na sila ay mababait at mapag-unawa, kaya tinanggap nila ang babae

At ng nagtagal ang kanilang relasyon naisipan nilang dalawa na magpakasal

Masaya naman ang kasal na iyon at nagkaroon pa sila ng anak na lalaki at masaya silang naninirahan sa tabi ng dagat dun sa kanilang bunggalo na bahay kasi yun ang gusto ng lalaki at babae ayaw nila ng mansyon ang gusto nila ay simpleng buhay lang kasi yun din ang nakasanayan ng babae, hindi madali sa mermaid na mag adjust sa mundong kanyang kinagagalawan pero di nagtagal natutunan nya din kung pano mabuhay ang mga tao sa lupa.

Pero naisipan ng mag-asawa na mahirap itago ang tutuong katauhan ng babae lalo na sa mga magulang ng lalake kaya kinumprunta nila ang ama at ina ng lalake at sinabi ang totoo

Nagulat sila oo, merong kunting takot oo, pero dahil sa pagpupursigi ng anak nilang lalake na tanggapin ng mag asawa ang babae ay tinanggap naman nila ito at dahil dun mas naging close pa ang babae at ang mga magulang ng lalake

At dahil sa nalaman ng mga magulang ay mas naging protective pa sila sa lalake at babae lalong -lalo na ang kanilang apo

Pero hindi nila namalayan na may nakarinig sa kanila
Yun ay ang lalake na kaibigan ng lalake

Dahil sa nalaman ng lalake ay pinagplanuhan nyang kunin ang asawa ng kanyang kaibigan kasama ang bata para ikulong at gamitin silang mag-ina para mas lalong yumaman sila, oo mayaman na ang kaibigan ng lalake pero talagang gahaman sila sa pera, mga mukhang pera talaga

Kaya lumangoy ng lumangoy ang babae para mailigtas lang ang kanyang anak,

makakahinga ba ang bata? Oo kasi may lahi syang mermaid kumbaga half human, half mermaid

Success naman ang babae at nakarating sya sa pinakailaliman ng dagat na kung saan nanduun ang mga bahay ng mga mermaids, kumatok sya sa bahay nila at pinagbuksan sila ng kanyang ina

"Dyosko bakit kayo napunta dito, di ka man lang nagpasabi na uuwi kayo?"
Nag-aalalang sabi ng ina pero
Biglang nawalan ng malay ang babae at nasalo naman ng ina ang sanggol
Nakita naman ng kanyang asawang lalake at tinulungang ipasok ang kanilang anak na babae at ang apo nila
Nagising ang babae at nakita nyang nakahiga sya sa kanyang dating higaan sa bahay nila dito sa dagat pero alam na ng babae na mamatay na sya kasi sa oras na meron kang minahal na tao at minahal ka naman nya pabalik dun lang magpapatuloy ang tibok ng puso ng mga taong isda pero pag namatay ito o hindi ka na nya mahal ay mamamatay ang mermaid na iyon
Kaya alam nang babae na mamamatay na sya kasi patay na ang lalakeng minahal nya at nagmamahal sa kanya

Biglang pumasok ang ina sa kwarto ng babae at lumapit ito sa kanyang higaan

"Kumusta na anak?"
Tanong ng ina at pumasok din sa kwarto ang kanyang ama

"Asan ang anak ko?"
Tanong ng babae

"Andun sa kabilang kwarto nakatulog na, ano ba kasing nangyayari anak?"
Tanong ng ama

"Wala na akong oras ina, ama"
Sabi ng babae at tumingin sa kanyang mga magulang

"Wag ka namang magsalita ng ganyan anak"
Sabi ng ina at nagsimula na itong lumuha

Ngumiti ang babae at nagsalita

"Patay na ang asawa ko merong pumatay sa kanya salamat sa dyos at nakatakas kami ng anak ko, alam nyo naman ang patakaran diba?, mamamatay ang mermaid pag patay na ang taong nagmamahal sa kanya kaya--"
Napahinto ang babae kasi pinipigilan kasi nyang maiyak sa harapan ng kanyang mga magulang

"Kaya ina at ama, alagaan ninyo ang anak ko ang apo ninyo-"
Sabi ng babae at tumango naman ang ina na lumuluha pati narin ang kanyang ama na kasalukuyang umiiyak dahil sa sinaryo na kanyang nakikita

"Ina, ama pa-patawad at pa-paalam"
Sabi ng babae
Napahagulgul na lang ang mag-asawa

At habang nagdadalamhati sila ay biglang umiyak ang bata sa kabilang kwarto
At dahil dun nagsabay ang mag asawa na tignan ang bata sa kabilang kwarto at ng nakita ito ng ina ng babae ay di nya napigilang lumapit at yinakap ang bata at umiyak

"Tatagan lang natin mahal, papalakihin natin ang batang yan na parang anak na natin"
Sabi ng ama at tumango na lang ang ina at pinunasan ang kanyang luha at nakangiting tumingin sa bata na anak ng kanyang nag-iisang anak na babae

____________________________________________

Mag-subscribe muna kayo sa aking Youtube Channel na ang name ay Pempem Vlogs, malaking tulong po iyon sa akin.
Salamat💗💗
and Enjoy Reading
____________________________________________


The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon