Movie Clip 18

2.8K 153 1
                                    

Jade Pov
Naniniwala akong isa din akong tao
Sabi ko sa aking sarili at biglang umilaw ang aking buntot at naging paa ito at dahil din sa ilaw na iyon ay binigyan din nya ako ng damit para matakpan ang aking hubad na katawan

"mag-iingat ka anak, ang mundo ng mga tao ay iba sa mundo natin, mas masama sila sa inaakala mo".
Paalala ni mama

"opo mama, mag-iingat din kayo ni papa"
Kahit lolo at lola ko sila ay tinatawag ko parin silang mama at pa kasi yun na ang makasanayan ko at sila na ang tumayong magulang ko

"bes, mamimiss ka namin"
Sabi ni fiona

"kaya pag may nangyaring masama, tumalon ka lang sa dagat, pak na pak na yun"
Pagpapatawa ni marigona sa malungkot naming atmosphere

At nagsipagtawanan naman kami, kalog talaga ang baklang to

Tumayo na ako at tyaka pinagpagan ang aking bandang pwetan tyaka ako tumingin kina mama, papa, marigona, at fiona

"wag kayong mag-alala, aalagaan ko ang sarili ko, at pangako hahanapin ko ang binata na magdudugtong sa aking buhay"
Nakangiti kong sabi pero hindi parin nakatakas ang mga luha ko, at nagsipatakan na lang sila

"girl naman!, umiiyak na na nyan"
Sabi ni marigona

"gaga hindi ba obvious?"
Natatawa kong pambabara sa kanya

"oh sya, humayo kana anak, at mauuna na kami habang wala pang nakakakita sa amin, mahirap na"
Sabi ni mama

At umalis na sila, ako naman ay kumay-kaway at sinimulan naring maglakad papunta sa syudad

Sana mabilis lang kitang makikita

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon