Movie Clip 20

2.7K 160 1
                                    

Jade Pov
Naglakad-lakad ako at tumingin-tingin sa aking paligid nagbabakasakaling makita ko yung binata na hinahanap ko

Ng biglang may humawak sa aking kamay dahilan para mapatingin ako sa kanya

At hindi ko mapagilang ngumiti kasi ang aking hinahanap na binata ay nasa harapan ko na, ang galing talaga ng tadhana, talagang pinagtatagpo ang mga ito kung talagang sila sa isat-isa, at girl!!!! May pahugot-hugot na din pala akong nalalaman

"san ka pupunta?"
Tanong nya sa akin

"ahmmm.. Hinahanap ka"
Sabi ko na nakangiti at nakita kong napatulala sya sa aking sinabi
At doon ko lang napagtanto ang aking sinabi

"ah,, naghahanap ng matutuluyan"
Bawi kong sabi

"naghahanap ka nga pero unahin mo na nating maghanap ng tsinelas mo"
Sabi nya at napatingin ako sa aking paa na malinis pero medyo mapula-pula na sa kalalakad

"sige"
Nakangiti kong sabi sa kanya at pumasok kami sa malapit na grocery at naghanap kung may tsinelas ba silang binebenta

At nakabili nga sya at pinasuot nya ito sa akin

"wag mo na ulit wawalain yan, gaya ng ginawa mo sa huli nating pagkikita"
Nakangising paalala nya sa akin at naala ko ngang nawala ko nga yung mga tsinelas na binili nya sa akin sa fiesta

At tumango na lang ako, pero bigla nyang hinawakan ulo ko at ginulo ang aking buhok

"ang cute"
Mahina nyang sabi pero hindi ko ito naintindihan

Biglang tumunog ang aking tyan at napangiti ang binata na ikinapula ng aking pisngi

"tara kain muna tayo doon"
Turo nya sa isang fast food chain

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon