Movie Clip 36

2.4K 134 0
                                    

Redge Pov
Nandito kami ngayon sa isang cottage at nakalatag na yung nga alak na iinumin namin, meron ding mga barbecues na pupulutanin pero syempre meron ding light alcohol para sa dalawang ladies, pero ang ipinagtataka ko asan yung tatlong babae at si jade?

"asan yung mga girlfriends nyo?, at si Jade? "
Sunod-sunod na tanong ko sa tatlong magkakapatid kaya napatingin sila sa akin

"oo nga, asan ang mga yun?"
Kunot noo ding tanong ni rosnel

"pumunta sila sa bayan, namasyal"
Sabi ni Mate

"bakit ngayong gabi pa?, at hindi pa nila kami sinama para lahat kaming mga babae ay pumunta na lang doon?"
Sabat naman ni Fiona

"sorry mga girls, biglaan kasing plano iyon kaya hindi na lang nila sinabi sa inyo, hindi nga sinabi ni Ria sa akin iyon, katetext nya lang kanina ng nasa bayan na sila"
Sabi ni Mark at bigla akong nag-alala kay jade

"oh yun naman pala eh, simulan na natin ang inuman"
Sabi ni Cam at kumuha na kami ng tig-iisang bote ng alak saka kami nag-cheers sa isat-isa at ininom ito

"doon na lang kami sa gilid, kakain na lang kami ng barbecue doon, alangan naman na yang pulutan ninyo kakainin namin diba?".
Sabi ni Fiona kaya tumango na lang kami at tumayo silang dalawa tyaka lumabas sa cottage pero bitbit parin nila yung bote na naglalaman ng light alcohol

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon