Movie Clip 34

2.4K 136 1
                                    

Jade Pov
Natapos na kaming kumain at hinila agad ako nila Ria at pumunta sa banyo ng hotel

"bakit?"
Tanong ko

"heto na ang oras para pumunta tayo sa kweba"
Sabi ni Lara

"huh? Kweba?, doon natin ilalabas mga buntot natin?"
Sunod-sunod kong tanong sa kanila

"tama ka"
Sabi ni Sha

"eh pano sina Fiona? baka hanapin tayo ng mga yun, magtaka pa sila"
Nag-aalala ko namang sabi

"wag kang mag-alala bahala na sina Mark na magpaliwanag sa kanila"
Sabi naman ni Ria

Kaya wala na akong nagawa at tumakas kami para pumunta sa kweba na sinasabi nila

"bakit sa kweba?, may tubig dagat ba sa loob nun?"
Tanong ko habang pinasok namin ang gubat, tama kayo' may gubat sa gilid ng hotel at buti na lang malaki ang buwan ngayon sapat lang para mabigyang liwanag ang aming dinadaanan ngayon

"meron girl, nagsusuply mismo ang kweba ng sarili nyang tubig dagat"
Sabi nya

"huh? May ganun?"
Takang tanong ko kasi, imposible naman ang kanyang sinasabi diba mga dear readers?
Pag sang-ayon kayo sa akin mag comment kayo ngayon... At mapapasaya nyo pa si author hihi

"may ganun girl, mahiwagang misteryo nga yun sa amin eh... At wag mo ng ipromote si author sa mga reader hahaha"
Sabi ni Lara

"sorry naman kawawa kasi si author"
Sabi ko sorry author..

"alam ba nila mark to?"
Tanong ko

"well obviously resort nila ito at sila ang pangalawang nakakaalam neto pero nauna kaming mga girls"
Sabi ni Sha

"nandito na tayo"
Sabi ni Ria at napatingin ako sa kweba at ang ganda kasi tinubuan ito ng mga magagandang bulaklak isama mo pa na naiilawan ito ngayon ng buwan na lalong nagpaganda sa aura ng kweba

At pumasok na nga kami at namangha ako sa aking nasaksihan sa loob neto

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon