Jade Pov
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, kasi sina Ria, Sha, at Lara ay iisa ang kwartong gagamitin nila, kasi mahirap na kung isasama nila sina Fiona at Rosnel at ang nga boys naman ay dalawang kwarto naman ang sa kanila at ako lang dito sa iisang kwarto, alangan naman na makisali ako sa mga kababaihan o kaya sa mga boys naman.
Dito kasi sa resort nila Mark ay may malaki ding hotel, sa likod nito ay mga ibat-ibang style ng swimming pools sa harap naman ng hotel ay makikita mo ang marami at magagandang cottage para sa mga gusto namang mag beach, kumbaga nasa gitna ng swimming at beach ang hotel pero wala dito yung sinasabi nila Ria na part ng resort na kung saan pwede kami doon lumangoy at ilabas ang aming mga buntotSo heto nga ako at inaayos lahat ng aking gamit dito sa kwarto kasi 4 na araw kami dito magsta-stay, ito ay saturday, sunday, monday at tyaka tuesday holiday kasi sa lunes at martes kaya tinuloy-tuloy na lang nila
Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan, tinungo ko naman ito at pinagbuksan kung sino man ang kumakatok, at si Sha lang pala
"halika na at kakain na tayo, nandoon na silang lahat"
Sabi nya sa akin at nagsabay na kaming pumunta sa cafiteria ng hotel na ito, yes cafiteria nga ang nabasa ninyo kasi gusto ng mga magulang nila Mark na dapat pangmasa lang ang style ng kainan dito sa hotel at meron ding mga nagbebenta sa labas ng mga barbecues kaya ang ganda nga talaga dito..
BINABASA MO ANG
The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETED
Fantasy(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Dalawang magkaibang mundo, na nahulog sa pagmamahalan nila ng tudo, itutuloy ba nila? O isusuko na lang nila bigla? Pag-ibig na di maipaliwanag Lalaki na saksakan ng kagwapuhan Saksakan ng kayabangan Pero may kunting...