Movie Clip 31

2.5K 145 0
                                    

Redge Pov
Papunta na kami ngayon sa resort nila Mark at nakasakay kami ngayon sa bus na pagmamay-ari din nila, magkakatabi ngayon ang mga babae at kasama na doon si jade, at kami naman dito sa likod ang magkakatabi ng biglang nagsalita si Mark

"kailan ka na aamin bro?"
Tanong nya at nagtaka naman ako kung ano yung ibig nyang sabihin

"come on, kailan ka aamin kay jade?".
Sunod namang tanong ni Cam

Habang tumatagal na kami ay magkakasama ay naging barkada narin namin ang mga kabarkada ni jade kaya parang close na close na kami kung makatanong sa isat-isa

"wala naman akong dapat aminin kay jade ah.."
Sabi ko

"stop denying it, eh bakit over bakod ka kay jade pag nasa university tayo?"
Tanong naman ni Mate

At yan ang tanong na hindi ko maexplain at hindi ko rin alam ang aking isasagot, parang nagkaroon lang ako ng feeling na kailangan ko syang alagaan at ingatan magmula ng makita ko yun.... 

"wag mo ng patagalin pre, malalaman mo din kung ano talaga yang nararamdaman mo kung bakit ka nagkakaganyan kay jade"
Sabi naman ni Markian

At tyaka ako tumingin sa bandang harapan at nakitang nagtatawanan ang mga kababaihan doon..

"ilang oras ang byahe pala natin?"
Tanong ni Kester sa magkakapatid

"2 hours"
Tipid naman na sagot ni Mate kaya naisipan ko na lang na umidlip, pero bago yun ay tinignan ko muna kung saang banda nakaupo si jade tyaka ko lang pinikit ang aking mata na may ngiti sa labi

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon