Movie Clip 48

2.2K 123 0
                                    

Jade Pov
Umiiyak ako ngayon dito sa loob ng taxi at sinabi ko naman sa driver na ipunta nya ako sa kung saan malapit ang dagat

Hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari sa aming dalawa ni redge, alam ko naman na wala syang kasalan pero anong magagawa ko, nasaktan ako sa mga nalaman ko, kaya naisipan kong bumalik muna sa dagat para makapag isip-isip sa mga susunod kong gagawin

"nandito na tayo"
Sabi ni mamang driver at buti na lang may pera akong dala kaya binigay ko na ang aking pamasahe at hindi na kinuha ang aking barya

Tinanggal ko ang aking sapatos at sinimulang maglakad ng nakapaa-paa papunta sa dagat buti na lang at walang katao-tao dito sa beach na ito kung hindi mahihirap akong magtransform neto pag nagkataon

Paa sa buntot, sanay maging sirena

Bulong ko at naging buntot ang aking paa tyaka ako lumangoy para makauwi na

It takes 20 mins. para makauwi ako at nagulat sina mama at papa ng nakita nila ako sa harapan ng bahay at agad akong yinakap ni mama at di napigilang magkaiyakang dalawa at sumali narin si papa

"bakit mo naisipang umuwi anak?"
Tanong ni mama ng nakaupo na kami dito sa sala ng bahay, at inaamin ko maliit man ito pero nakakamiss lang talaga ang bahay na nakagisnan mo

"alam kuna kung sino ang pumatay sa mga magulang ko, at magulang sya ng taong niligtas ko, kaya ako umuwi ngayon kasi hindi ko alam ang gagawin ko mama"
Sabi ko at napaiyak na naman ako pag naiisip ko si redge, niyakap ako ni mama at si papa naman ay nakaupo lang

"alam namin na sa pagpunta mo sa lupa ay malalaman mo kung sino man ang pumatay sa mga magulang mo, pero wala na tayong magagawa doon anak, kung pwede lang ibalik ang buhay ng mga magulang mo ay sana ay ginawa na namin iyon noon pero yun ang gusto ng tadhana"
Mahabang sabi ni papa

"mahirap magpatawad anak, mismong kami hindi rin namin mapapatawad ang taong pumatay sa mga magulang mo, sa anak namin, pero ang una nating gawin ay tanggapin ang katutuhanan at tyaka na lang ang magpatawad pag talagang natanggap mo na ang lahat"
Mahaba ding sabi ni mama at yinakap ko na lang sya ng mahigpit

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon