Movie Clip 9

3K 163 4
                                    

Jade Pov
Ang gwapo naman ng mamang ito, naglaro pa talaga sya sa makenang may claw kanina. At ngayon hawak-hawak ko yung maliit na stuff toy na nakuha nya sa makena kanina at naglakad-lakad kami

"wala ka bang tsinilas o kaya sapatos?"
Tanong nya sa akin

"ano yun?"
Tanong ko naman
At napabuntong hininga sya

"binata ka nga pero para kang bata kung umasta, kasi parang hindi mo pa alam mga bagay-bagay dito sa mundo"
Sabi nya na nakangiti, at ako naman ay napatulala dahil sa kanyang ngiti

"ah.. Eh. Ah"
Nauutal kong sabi at bigla nyang hinawakan ang aking ulo

"tara dun at bibilhan kita ng tsinelas mo"
Nakangiti nyang sabi, at tumango ako tyaka kami naglakad papunta sa gilid ng kalsada na kung saan may nagbebenta doon ng tsinelas

Binili nya yung kulay asul na tsinelas kasi mas bagay daw sa kulay ng buhok ko iyon.
Hindi ko alam kung paano isuot kaya ng ibigay nya sa akin ay tinitigan ko lang ito, kaya lumuhod ang lalake at kinuha ang isa kong paa tyaka nya sinuot at ganun din ang ginawa nya sa kabila kong paa

"salamat"
Nakangiti kong sabi

Pagkatapos nun ay naglibot-libot kaming dalawa na may ngiti sa mukha at ngayon ay nandito kami sa may pabilihan ng mga pagkain,

"anong gusto mo?"
Tanong nya

"kahit ano na basta masarap"
Nakangiti kong sabi at tumingin ulit sya sa mga pagkain, habang bumibili sya ay naramdaman ko sa aking katawan na parang humihina na ako... Kaya kahit labag man sa aking kalooban ay umalis ako ng walang paalam sa lalake.. Binilisan kong tumakbo at hindi ko namalayan na naiwan na pala ang tsinelas at tyaka nabitawan konang stuff toy. Takbo ako takbo at ng nasa dagat na ako ay tumalon ako at bumalik ang aking buntot.. Tyaka ako tumingin sa lupa..

Sana magkita tayong muli

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon