Movie Clip 17

2.8K 156 0
                                    

Jade Pov
Nakaupo na kami ngayon dito sa sala namin at binigay sa akin ni mama ang isa pang larawan at nakita ko dun si ina na may kasamang lalake at may pagkahawig din ako sa kanya, pero gumuhit sa aking mukha ang pagtataka kaya napatingin ako kay mama

"sino po ang lalakeng kasama ni ina dito sa larawan?"
Nagtataka kong tanong

"yan ang ama anak"
Sabi ni mama

"tao sya?"
Tanong ko

"oo anak, tao ang ama mo, at kung mapapansin mo dyan ay itim na ang buhok ng iyong ina"
Sabi ni mama at tumingin ulit ako sa litrato at dun ko lang napansin na itim na pala ang kulay ng buhok ni ina

"bakit po nagkaganun?"
Tanong ko

"pag binigyan ng isang sirena ng buhay ang isang tao ay magiging itim ang kulay ng kanilang buhok at pag nangyari yun dapat magkasa-kasama na kayo ng taong iyon para hindi ka lalong manghina"
Sabi ni mama

"nalilito ako mama"
Sabi ko

"at dapat ang taong yun ay mamahalin ka ng lubusan, dahil yun lang ang bubuhay sayo sa lupa, ang pagmamahalan ninyong dalawa"
Sabi pa ni papa

"so dapat nandun ako sa lupa kasa-kasama sya?"
Tanong ko

"oo anak"
Sabi ni mama

"pano na yan mama? Kung pupunta ako dun kung mababasa lang din naman ako ng tubig ay babalik sa pagiging buntot ang aking paa"
Sabi ko sa kanila

"wag kang mag-alala anak, kalahati sayo ay nananalaytay ang dugo ng tao, kaya pag tinanggap mong tao ka rin ay magiging tao ka, at kahit masabuyan ka ng tubig ay hindi magiging buntot ang paa mo, basta tanggapin mo lang na tao ka, magtiwala ka lang sa sarili mo"
Sabi ni papa at sumang-ayon si mama

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon