Movie Clip 6

3.1K 162 0
                                    

Jade Pov
Naglakad-lakad ako at may nakita ako sa parteng dulo ng syudad ng mga ibat-ibang kulay ng mga ilaw, at nakakaingganyo itong tignan kaya naglakad ako papunta sa lugar na iyon

Merong mga tao ang tumitingin sa akin, hindi ko alam kong anong klase ng tingin ang mga pinupukol nila sa akin kaya tinuloy-tuloy ko lang ang aking paglakad sa gitna ng kalsada at biglang may bumusina sa aking likuran

*beep *beep

Dahil sa gulat ko ay napatalon ako bigla sa gilid at nakita ang mga makenang gumagalaw..

"wow.. Ano yan?"
Mahinang tanong ko sa aking sarili

Inihiwalay ko ang aking tingin sa makenang gumagalaw at naglakad na lang ako sa gilid ng kalsada

Denerederetyo ko ang aking paglalakad hanggang sa nakita ko ang lugar at punong-puno ito ng mga makukulay na ilaw

" ano pong nangyayari?"
Nakangiting tanong ko sa isang matanda

"ah... May fiesta dito ngayon apo..."
Sabi nya

"ano pong fiesta, parang pagdiriwang po ba iyan?"
Tanong ko

"parang ganon na nga apo"
Sabi nya

"ganun po ba"
Sabi ko

"babae ka ba apo?"
Tanong nya, ay! Si lola napagkamalan pa yata akong babae neto, at gusto ko yun!

"hindi po, lalake po ako"
Sabi ko at napangiti ang matanda

"hay.. Talagang matanda na talaga ako, hindi ko na masabi kong babae na ang isang tao o lalake, sige na apo, uwi na ako"
Sabi ng matanda

At tumango ako tyaka sya nginitian at umalis na ito sa aking harapan

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon