HEART 3

528 107 50
                                    

Chatty's PoV

Nagprapractice na kami ngayon, and like what I've suggested sakanya kanina, manood nalang siya ng practice namin which is ginawa naman niya. Ayoko na kasi ng away.

"Bakit nandito 'yan?" Rinig kong bulong nila Aiden. Nag-break kasi muna kami and nanonood sila Aiden. Si Josh ang naghatid sa'kin dito at hindi si Kitkat. Tinext ko nalang siya na ihahatid ako ni Josh.

"Aiden..." Saway ko sakanya at muling tinignan ang naglalakad na Joshiro patungo sa gawi ko. May dala siyang tubig.

"Water," inabot niya sa akin ang binili niyang tubig.

"Thanks," tipid kong sagot. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng mga kaibigan ko at kay Josh.

"Uwi na muna ako love, urgent e. Nag-text si papa may emergency sa bahay,"aniya.

"Uhm.. sige ingat ka. Kamusta mo nalang ako kay tito," sabi ko naman at lumapit siya sakin para halikan ang pisngi ko.

"Bye, take care," aniya at umalis na.

"Emergency, mambababae lang 'yan," umarko nanaman ang mata ni Kitkat.

"Bakit hindi mo pa yan hiwalayan Chatty? Halata namang ginagago ka nanaman," bulyaw ni Quen.

"Balik na sa court girls!" Sigaw ng aming coach. Nice, good timing ang pagsigaw. Ayokong sagutin ang tanong ni Quen. At wala naman akong masasagot.

Nang natapos ang practice namin ay pumunta na kami magba-barkada sa isang coffee shop malapit sa Grant U. Papasok na sana kami sa coffee shop nang matanaw namin si Josh. Yes, si Josh na may kasamang kutis porselanang babae. Magka-holding hands pa silang dalawa.

"Emergency pala ha..." Umirap nanaman si Kitkat.

"Ano ngayon Chatty?" Tanong naman ni Jam. Hindi ko alam ang isasagot.

"Tss...lumipat nalang tayo ng ibang coffee shop,"malamig na ani Ysieve na sinunod naman nila.

Pagkasakay namin sa kotse ni Kitkat ay agad namang nagbago ang plano ko. Gusto ko nang umuwi.

"Uwi niyo na ako," mahina pero sapat na para marinig nila.

"Are you okay?" Tanong ni Austin.

"Does she look ok Austin?" Pambabara naman sakanya ni Kitkat na ngayon ay pinaaandar na ang kotse.

"Break up with him Chatty," agad na sabi ni Jam pagkapasok na pagkapasok sa bahay.

"God Chatty! Ilang taon ka na niyang niloloko, open your eyes," dagdag pa ni Kitkat

"Break up with him," even you Gaisler?

"Tigilan niyo na siya, she needs to think," malamig na sabi ni Ysieve sakanila.

"To think?! Hindi na pinag-iisipan ang bagay na 'yon Sieve! For seven years paulit-ulit nalang!" Sigaw ni Kitkat sa kanya.

"Seven years cheating, wala pa bang HIV ang lalaking 'yun? Goodness break up wit-" agad na naputol ang sasabihin ni Jam nang sumigaw si Ysieve na nakapagpatahimik sa lahat.

"I said enough! Let Chatty think!" Sa puntong iyon ay hinawakan na niya ang magkabila kong braso. Inalalayan niya akong umakyat sa aking kwarto.

"Don't expect too much, galit pa rin ako sayo Romualdez," aniya at tumayo, tinitigan ko naman siya nang masama.

"Then be angry. I don't care. Now...leave...my...room," aniko ng may diin. May gana pa siyang sabihin 'yon? What an asshole!

Ilang minuto na ang nakalipas...and I'm still here sa kwarto ko, crying. Mahal ko si Josh and hindi ko siya kayang iwan. I'm a maldita type pero pag dating sakanya tiklop na tiklop ako. Joshiro is my first love, since grade eight. For eight years, siya ang naging kasama ko maliban sa mga kaibigan ko kapag wala sila mommy. Nasanay na ako sa presence niya na laging nandyan. Yes, paulit ulit na niya akong ginagago. Since grade nine nambababae na siya. Dumating pa sa point na buntikan na kaming maghiwalay nung grade twelve. Pero hindi ko kaya. Josh is my life. Kaya ko siyang sungitan, murahin, sipain, sampalin o kung ano pa man. Pero hindi ko siya kayang iwanan. Hindi ko kaya na wala siya. Martyr na sa martyr. Pero tangina mahal na mahal ko 'yung Joshiro Gian Hortalez na 'yon. At... Kaya ko pa... kaya ko pang mahalin siya.

Battle Of Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon