HEART 15

314 62 6
                                    


Chatty's PoV

Kinabukasan ay hindi pa rin ako pinapansin ni Ysieve. Bakit ba siya nagagalit? And anong pinagseselosan niya sa amin ni Luke. Like we didn't even hold hands or hugged!

"Ms. Romualdez and Mr. Ysieve Sollera, pumunta kayo sa faculty after this. Kitain niyo si Ms. Javier," utos ni Prof na sinunod naman namin.

We're on our way sa faculty pero hindi pa rin niya ako pinapansin. He remained cold and serious. Kahit kaninang lunch napakaseryoso niya. Ni hindi niya ako nililingon. Mabibilang ko lang ata sa isang kamay ko ang bilang ng sulyap niya sa akin. Seriously? Are you fucking kidding me?

"Hi miss!" Bati ko pagkakita namin kay Miss Javier.

"Hindi tayo rito sa school magpra-practice. Sa studio ko pero malapit lang naman sa kabilang kanto lang," aniya.

"Okay lang po Miss," sagot ko. Ysieve remained quiet.

Sumakay kami sa sasakyan ni Miss Javier on our way to her studio. Malapit lang naman talaga pero syempre sinong tangang iiwan ang kotse sa loob ng campus tapos naka-out na hindi ba?

Her studio was neat. The walls are painted white. The two big mirrors became the wall of the studio. May salamin sa kaliwa, gayun din sa kanan. It's quite big too.

"Madalas akong nagtuturo ng mga students na gustong matutong sumayaw. Dancing class kumbaga...kung magbibihis kayo nando'n ang cr," turo niya sa pintong katabi ng malaking salamin.

I changed my clothes. I am now wearing a black push up bra and a black nike leggings. I also wore a black see-through shirt. I tied my hair up and I'm all set.

Nang lumabas ako ay nandoon na si Ysieve wearing his black slacks and a white shirt. Nahuli ko ang titig niya sa akin.

"Nakalimutan kong sabihin kay Mrs. Garcia na sa gagawin natin you need to dance with stiletto. Mayroon naman ako sa stock room...ano bang size mo?" She ask.

"Size eight po," sagot ko.

"Okay let me just get it," Miss Javier went to the stock room. So I used this opportunity to talk to Ysieve.

"Galit ka?" I asked but he ignored me.

"Huy!"

"Why are you mad?"

"Tss." 'Yun lamang ang narinig ko sakanya hanggang makarating nalang si Miss Javier.

"Wear this, then let's start," inabot sa akin ni Miss Javier ang isang white ankle strap na stiletto.

"So alam niyo naman na wedding dance ang gagawin niyo. May ibang mga dances na gagawin ang iba na mas higher possibility to win, but you can win this by grace and specially by feelings. Wedding dance requires eye contact. 'Yan ang hindi mawawala sa sayaw na ito. The whole song, magtititigan lang kayo with feelings. I want you to feel the song. Understood?" Pagpapakiwanag ni

"Yes po," sagot ko.

"I find this song really really beautiful and this song kapag sinayaw niyo you need to move gracefully," anya.

"Ano po bang kanta Miss?" Tanong ni Ysieve. Wow nagsalita na siya.

"Shallow, do you know that song? It's by Lady Gaga and Bradley Cooper. I want you to listen to the song carefully," kinuha ni Miss Javier ang kanyang cellphone at may pinindot. Awtomatikong tumunog ang kanta mula sa speaker sa itaas.

Battle Of Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon