HEART 26

217 29 13
                                    


Chatty's PoV

"It's been awhile," sabi ni Aiden nang makarating kami sa Olaf. It's a weekend and medyo lumuwag ang mga schedules namin.

"I miss Olaf! My goodness, the liquors and the noise!" si Kitkat.

Like usual, humanap kami ng aming table at nag-order. They ordered hard liquors. Talagang miss na miss nila ang pag-inom. Well, I can't blame them. It's a hell week for me so ano pa kaya sakanila na nasa mas matataas na pusisyon.

"Sayaw naman tayo dali!" hinatak na ako ni Kitkat at ang isang kamay niya'y hinahatak si Jam.

Nakakaengganyo ang tugtog na bumabalot sa buong lugar. Puno rin ng ingay ng mga taong nagsasayawan.

" 'Wag mo nang titigan Chatty! Dance! Don't you miss it?" puna ni Kitkat.

"Loka ka!"

I danced with them at habang tumatagal isa-isa na silang nawawala sa harap ko. Ganyan naman sila e, bigla-biglang nang-iiwan at kung sino-sino nang kasayaw. Pinili kong bumalik nalang muna sa table namin. Ysieve is sitting on the corner and looking at me. I sat beside him.

Lumipas ang oras at nakakaramdam na ako ng kaunting hilo. Nagyaya muli sila na sumayaw, this time lahat na kami. May mga mga ilang kakilala kaming nakita at nakipagsayaw na rin kami.

"Let's play body shot!" sigaw ng isang lalaki. I remembered that he's one of our schoolmate in Grant. Nang dahil sa anunsyo niyang 'yon, naghiyawan ang grupong kinabibilangan namin. Marami kami dahil nagsama-sama ang tatlong grupo. It's Gerika's group, Henry's group and ours.

"Body shot! Body shot!" the people cheered.

Gerika, the daughter of the owner of the bar called someone at may binulong. Nang bumalik ito ay kasama na itong lalaki na may bitbit na mga bote ng tequila at jar na I guess ay asin. Mayroon din silang dalang plato na may nakalagay na lemon.

"Let's start the fun!" anunsyo niya.

Kusa naming pinalibutan ang isang table. We are now forming a circle. Gerika spinned the empty bottle on the table. Naghiyawan ang lahat nang tumuro ito kay Hannary.

"Choose, " utos ni Gerika. Umikot ang mata ni Hannary sa mga tao na nasa loob ng bilog. At nang mukhang nakita na ang gusto, she playfully smirked.

"Quenery Faelden, " anya. Naghiyawan muli at ngumiti lamang ng nakakaloko si Quen t'yaka lumakad papunta sa gitna.

"I want to put it on his abs!" anya. Quen chuckled at walang kung ano-ano pa'y hinubad na ang t-shirt na suot. The crowd cheered. I mean who wouldn't. It's Quenery fucking Faelden who's stripping in front of you. Nilagyan ni Hannary ng asin ang abs ni Quen. She drank a shot and licked Quen's abs.

Nagpatuloy ang laro. Naging maingay at masaya ito. Ramdam ko na ang kalasingan ko dahil habang naglalaro ay may mga hawak pa kaming mga baso ng rum.

"Gian choose!" masayang utos ni Gerika sakanya. The soccer player guy.

"I choose Chatty," napadilat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Bahagya rin akong namula dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"Come on Chat, come forward. It's just a friendly game, " ngumiti ang isang babae na katabi ni Hannary.

Lumapit na ako sa gitna at ngumiti. I licked my lips. I fucking don't know what I am doing right now. Ang nasa isip ko lang ay laro lang ang lahat ng ito.

"Can I put it on your shoulder?" He asked.

"Sure, sure," I answered at bahagyang ibinaba ang aking leather jacket.

He started putting salt on my right shoulder. He drunk a shot. He looked at me and smile after that. He came close to me and held ny waist with his left hand. Yumuko siya and he licked the salt on my shoulder. I heard the crowd. After he finished licking the salt he whispered at me.

"Nice game, thanks," anya na sinuklian ko lamang ng ngiti. Bumalik na ako sa aking p'westo at kinuha ang rum kay Kitkat.

Kitkat's PoV

I am the last person na naikutan ng bote. Of course I picked the most handsome, Xavier Quiñones. The game's over so bumalik na kami sa aming mga respective tables.

"Let's dance! Let's go!" anyaya ni Chatty at dumiretso na sa dance floor. That lady is very very drunk.

Sinundan na namin si gaga na nagsasayaw na mag-isa. Mas gaga pa 'to sa akin kung makasayaw. Well, nakakaapat na baso palang naman kasi ako. Habang itong babaeng 'to, hindi ko na mabilang. Pareho na sila ngayon ni Gaisler na parang may tililing kung makasayaw. Magpinsan nga sila. Stress na stress na sila sa IsiRom?

While she's dancing like crazy, nahagip ng paningin ko ang nakatayo at nakapamulsa lang na Ysieve. He looked very serious na. I smell something, not the smoke and the mixed liquors but a mad gorilla.

Nagkakasalubong na ang makakapal niyang kilay at diretsong nakatingin sa gagang 'to na tinatanggal na ang leather jacket niya. She's now showing her black crop top tube.

"Ang init!" rinig kong reklamo ni gaga. Well sino ba kasing may sabi sakanyang mag leather jacket siya?

Binalik ko muli ang tingin sa nag-aapoy na gorilla. Nasa dance floor siya pero hindi man lang sumasayaw. Maraming babae na rin ang lumalapit ngunit wala pa siyang pinapansin kahit sino sakanila. Unlucky bitches.

"Kitkat, hold my jacket please," inaabot na niya ang jacket niya sa akin.

"Ano ako utusan mo? Gaga ka lasing ka na!"

"Nope! No! No! No! I'm fucking sane, I'm not drunk. I can still dance, look," anya at sumayaw na parang gagang nakawala sa mental.

Tinitignan ko lang siya at gulat na gulat nang lumapit ang nagbabagang gorilla t'saka kinuha ang inaabot niyang jacket. Well, kinuha niya pero pilit niyang pinasusuot ito sa gagang Chattiana'ng 'to.

"No! Mainit!" reklamo ni Chatty.

"Can you fucking wear this damn jacket?! Your cleavage! My goodness!" bakas ang iritasyon sa boses ng nagbabagang gorilla.

Narinig ko naman ang tawa nila Aiden habang pinagmamasdan ang magagaling naming kaibigan. Hindi ba talaga sila? They look like a couple!

"No! Mainit! Stop! Stop!" reklamo muli ni Chatty.

"Mainit nga naman daw kasi Ysieve," Quen laughed.

"Tumahimik ka riyan sasapakin kita,"kalmado ngunit may pagbabantang sabi ni Ysieve.

"Bakit ako? Just go straight To Gian Lopez!" Quen even teased this fuming mad gorilla.

"Sapakan na ba 'yan? Pusta kayo kanino kayo?" si Aiden.

"Shut up,tss. Umuwi na nga tayo," anya at hinawakan sa braso si Chatty t'yaka naglakad ng mabilis.

After he left, we all laughed kaysa sundan siya. But eventually, sinundan din namin dahil iisang van lang naman ang dala namin.

"Galitin pa natin," Austin smirked.

"That jealous dog," si Aiden.

"Let's make him really pissed tonight, pupusta akong five thousand hindi niya papansinin si Chatty bukas," si Austin.

"Poor monkey, I bet sixty thousand. Papansinin pa rin niya si Chatty. Man, that's Chattiana Romualdez you're talking about," si Quen.

"Best friend ba talaga kayo? Hindi niyo nakita gaano kagalit 'yon? I bet one hundred thousand, hindi niya papansinin si Chat," pusta ko.

Battle Of Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon