HEART 24

221 28 3
                                    


Chatty's PoV

"How's kuya Kiannu pala? Hindi ko na siya nakikita," I asked him.

"Well, busy na. Mayroon siyang hawak na kaso, his first case dito sa bansa, " aniya.

"I admire his determination, imagine, umabot sa point na napalayas siya ni tito just because ayaw niyang mag-take ng business," I said. Nang tumingin ako sakanya ay nagdilim na ang kanyang ekspresyon.

"So I shouldn't have taken business,huh?" I chuckled on what he just said.

"Seloso, " bulong ko at bahagyang natatawa pa. His eyebrows furrowed and he licked his lips.

"Tss, " nagpatuloy siya sa kanyang pagkain.

"That's your brother, Ysieve. In case nalilimutan mo, " I smirked.

"I don't care," he answered. I laughed at him. He is really irritated.

"Sometimes, I think na tinatanong mo rin ba kung kumusta ako sa mga kapatid ko, " madrama niyang saad.

"Why would I ask them? Lagi naman kitang kasama," I answered. "Stop with the dramas, Mr. Ysieve Sollera. No one is stealing me from you, " ngumiti ako. Nakita ko namang bahagyang nagliwanag ang mukha niya.

Sa sumunod na araw, nagdala na ako ng sariling sasakyan papunta sa office. I used my red and grey Rolls-Royce Ghost.

"Good morning ma'am," bati ng guard na nagbabantay sa labas ng departamento, ngumiti naman ako sakanya.

"Good morning po Miss Romualdez, ito po pala 'yung financial report natin for this month, " salubong sa akin ni Mila.

"Okay, thank you, " kinuha ko ito at pumasok na sa aking opisina.

Pagkatapos kong pag-aralan ang mga reports ay nagpatawag ako agad ng meeting. It's a bit stressful lalo na't nangangapa pa ako. Dumami rin ang mga dokumento at kung ano-ano pang dapat asikasuhin sa pangalawang araw ko.

"Hello, Chatty, " bungad ni Gaisler sa akin nang sagutin ko ang kanyang tawag.

"Yes? Anong kailangan mo?" I asked, taas ang kilay.

"Stress ka na ba? Sungit ah!" he chuckled.

"Stop it," saway ko.

"Alright, alright. Lunch tayo, naga-aya sila Aiden, " anya.

"Aiden?! Ang layo ng kanila ah?"

"Hawak nila ang oras nila Chatty, sila Kitkat papunta na sa café malapit dito sa office. Kaya tara na, we have our two hour lunch naman e, " umirap ako at napa-oo nalamang. Gusto ko mang magpadala nalang ng lunch dito, mukha kasing kompleto kami kaya hindi na ako tumanggi. Nagkita kami ni Gaisler sa lobby at sabay na pumunta sa café.

Nauna si Jam na makarating sa café dahil tapat lang naman iyon ng Santiago Tower.

"Wala pa sila?" tanong ni Gaisler.

"May nakikita ka bang kasama ko?" sagot sakanta ni Jam.

"Ang sungit naman, monthly mo?" Gaisler teased her.

"No!"

"I am stressed! Ang daming iniwan ni daddy na work at mga unfinished projects!" agad na reklamo ni Kitkat nang makarating siya. Nasa likuran palamang namin siya at papunta palang sa gawi namin ay nagsasalita na siya.

"Ginagantihan ka ni Tito Fred sa mga luho mo no'ng college, " pang-aasar pa ni Ais sakanya.

"You know what? Ang panget mo!" buwelta ni Kitkat.

"Sa pogi kong 'to, tatawagin mo lang akong panget?" his eyebrows moved up and down.

"Hi dudes!" malakas na bati ni Austin. Napabaling kami sakanya. Nasa kanyang likuran naman si Quen na halatang stressed na rin sa trabaho. Is being a CEO really stressing? Although vice president pa lang si Quen.

"Asan na ba sila Ysieve?" si Austin.

"Taka ka pa, Taguig pa galing ang mga 'yon, " sagot naman ni Gaisler.

Ilang minuto pa at dumating na sila Ysieve. Hindi naman masyading matagal. Um-order na kami ng aming mga pagkain at nagkamustahan tungkol sa aming mga trabaho.

"Ang sakit-sakit ng head ko! My ghad, daddy has a lot of workloads na iniwan!" reklamo nanaman ni Kitkat.

"Alam mo solusyon diyan?" si Aiden.

"What?!"

"Bumaba ka na sa pwesto mo, " he laughed. Habang si Kitkat naman ay halatang-halata ang pagkakairita.

"Alam mo 'wag ka ngang epal!" bulyaw ni Kitkat sakanya.

Habang nagbabangayan ang dalawa ay naramdaman kong may humawak sa kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Napatingin ako kay Ysieve na nasa kaliwa ko. He just smiled at me.

"Guys," tawag ni Jam sa aming mga pansin.

"May kwento ako," aniya.

"Ano 'yon?"

"Kasi kagabi...uhm, kami na ni Van!" She exclaimed.

"Kailan pa? Walang sinasabi sa akin si kuya humph!" nag-cross arms ako dahilan ng pagkakabitaw ko sa kamay ni Ysieve. Gayon pa man ay gumapang ang kamay niya papunta sa aking beywang. He is now holding my waist.

"Kagabi lang, sinurprise niya ako sa office, tapos ayon na!"

"Sana all may lovelife, stress na nga ako sa work, wala pang lovelife, " si Kitkat. Tinawanan naman siya nila Gaisler.

"Tatanda ka nang dalaga!" Quen teased her.

"Oo nga! Habang buhay ka nang single!" si Aiden.

"Ang eepal niyo, nakakairita kayo!" tinarayan naman sila ni Kitkat.

"Girl, try mo na kasi si Andrew Arciaga! Se-set ko kayo ng date! " I chuckled.

"Arciaga? Baka patulan siya no'n," ani Gaisler.

"One night lang, blind date dali!" si Jam.

"Ayaw ko!" she crossed her arms.

"Wow, choosy ka pa! Arciaga na 'yon oh!" si Aiden.

"Bakit ba ako ang topic niyo? Bakit hindi nalang si Jam at kuya Van?"

"Bakit hindi nalang si Ysieve at Chatty?" pasa ni Jam sa'min.

"Oo nga naman, ano na bang label niyo?" tanong ni Austin.

"Ligawan stage, " I simply answered.

"Oh? Bakit parang kayo na?" sinamaan ko ng tingin si Gaisler.

"Sagutin mo na, nasuntok na 'yan ni kuya Van!" Kitkat said and everyone laughed. Habang itong katabi ko ay nakangiting parang aso.

"Nako tigilan niyo nga kami," saway ko.

"Buti nalang nauntog ka at hiniwalayan mo 'yung Joshiro na 'yun, " si Kitkat.

Kinagabihan, pinuntahan ko si kuya Van sakanyang kwarto.

"Kuya!" sigaw ko.

"What is it, princess?" he kissed my forehead as a sign of his greetings.

"Kayo na ni Jam! Hindi mo sa akin sinasabi na nililigawan mo siya! Nagtatampo ako! "

"Hindi ko ba nasabi?" maang-maangan pa niyang sabi.

"Bahala ka riyan! Yes to secrets pala ha!" I was supposed to left his room pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Wait! Wait, princess. Pinaalam ko kaya kila mommy, akala ko sinabi na sayo ni mom, " inirapan ko siya.

"No! Edi sana alam ko na," sagot ko sakanya.

"I'll make it up to you, don't be mad at kuya please," malambing niyang panunuyo. He held my arms.

"Please, princess? Let's have a couple date. You and Ysieve, me and Jam. Please don't be mad at me?"

"Sige na nga! Basta no secrets, okay?"

"I promise."

Battle Of Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon