HEART 29

224 27 6
                                    


Chatty's PoV

"Mom,dad," kumatok ako sa kwarto nila mommy habang si Ysieve ay nasa aking likod.

"Come in ija, " dahan-dahan akong pumasok and I showed them an awkward smile.

"Mom, daddy, ahm...sinagot ko na po si Ysieve," i bit my lowerlip.

"Welcome to the family, ijo!" tumayo si mommy at niyakap si Ysieve.

"Ang tagal kong naghintay na sabihin mong itong si Ysieve na ang boyfriend mo Chattiana," sabi naman ni dad.  Wow, so why am I nervous awhile ago?

"Nako ija, sabihin mo 'yan sa kuya mo at baka magtampo 'yon. Dito ka na mag-dinner,Ysieve," anyaya ni mommy.

"Yes po tita," natawa si mommy nang bahagya.

"Mama o ma nalang ijo, part ka na ng family namin.  Sigurado akong sa simbahan ang tuloy nito!"

"Mom, nakakahiya!" alma ko.

"No, it's okay.  Sure ma, I'll call you mama po," Ysieve chuckled.

"Papa nalang din sa akin,Ysieve. Botong-boto ako sayo!" si Papa.

Ysieve chuckled,"Sure pa," he smiled.

"Magiging over confident na niyan si Ysieve! Tara na nga kay kuya para masuntok ka ulit," hinatak ko siya papunta sa kwarto ni kuya. Sakto namang bukas ito.

"Kuya! Uy! J-jam?" tanong ko nang makita si Jam at kuya Van na magkayakap. Nauna pa siya sa akin?

"What is it,princess?"

"Kami na," I casually said.

"Okay," kuya smirked. Lumapit naman siya at nakipagkamay kay Ysieve. Napakunot ang noo ko.

"Welcome to the family dude," su kuya.

"Hoy magk'wento ka naman paano naging kayo! Kanina lang magkaaway kayo ah," sigaw ni Jam at ngumisi.

Hinatak ko naman siya papunta sa k'warto ko at iniwan ang dalawang lalaki. K'winento ko sakanya paano nangyari naging kami.

"Ang advance mo naman! Baka mamaya pati proposal niya unahan mo ha!" aniya.

" 'Yun din nga ang sabi niya e. Pero ano ka ba?!  Syempre hindi niya kasi ako pinapansin!"

"Oh porket hindi ka pinapansin uunahan mo na?!" sigaw niya habang nakapameywang pa.

"Tumahimik ka na nga ang ingay-ingay mo naman e!"

"Haynako dapat malaman 'to ni Kitkat," anya at nilabas ang kanyang cellphone at gigil na nagdutdot ng kung ano.

Sa sumunod na araw naghanda na ako para sa trabaho. Nang makababa ako ay agad na bumungad sa akin ang isang Ysieve Sollera na may hawak ng isang napakalaking bouquet ng mga tulips.

"Happy daysary?" ngumiti siya nang nakakaloko. I chuckled.

"Tigilan mo ako sa kakornihan mo Sollera. Patagal nang patagal pakorni nang pakorni, ha. But thanks," I smiled.

"Hahatid kita," anya.

"Out of way ka.  Ano ka ba?" saway ko sakanya.

"Ngayon lang naman e, sige na please sweetheart. Just for today," he smiled.

"May magagawa pa ba ako? Sinimulan mo na ako sa kakornihan mo."

Naging busy ang araw ko ngayon sa opisina dahil puno ng meetings at preparation sa report for tomorrow's meeting. Nagagamay ko naman siya nang paunti unti kahit papaano.

Battle Of Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon