Chatty's PoV"Choose the unchosen... choose me... please baby," yumuko ako at lalong naiyak. Hindi alam ang sasabihin.
"Please," halos bulong nalamang ang kanyang boses.
Hinaplos niya ang aking pisngi. Sa paghaplos niya'y lalong bumuhos ang mga luhang pilit na pinapahinto. Hinawakan ko ang kanyang kamay at umiling.
"H-hindi... hindi ko kaya," binitiwan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi. Ramdam ko ang paghaplos nito pababa.
Nanlalamya ang kanyang mga kamay na bumalik sa pusisyon. Nang tignan ko siya ay iniwas niya ang tingin at tumingin sa kaliwa. Tila ba'y may pinipigilan.
"Mahal mo...." Tumango-tango siya. Hindi iyon tanong kundi isang pariralang siguradong sigurado.
"Anong laban ko nga naman...sa mahal mo," umalis siya na para bang isang kidlat. Wala na siya sa aking harapan.
Napaupo nalamang ako at humagulgol. Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman. Lahat ng bigat ng dibdib na dinadala. Gusto ko nang sumuko. Gustong-gusto. Masyadong nang mabigat.
Kinabukasan ay halos ayaw ko nang bumangon. Sobrang bigat ng kalooban ko. Maga rin ang aking mga mata.
"Chatty..." Napabaling ako kay mommy na biglang sumilip mula sa pintuan ng aking kwarto.
"My," naglakad siya at naupo sa aking kama.
"Umiyak ka. Anong problema anak?" Napakalambing ng boses ni mommy nang sabihin niya iyon.
"Wala po my. Nagkaroon lang ng konting problema sa amin ni Josh."
"Baka naman kinakawawa ka na ni Josh, anak?" Umiling ako at ngumiti bilang assurance.
"Hindi mommy, mabait po si Josh," sagot ko. Hinawi niya ang takas na mga buhok sa aking mukha at balikat.
"Uhm. Sige, halika na sa baba. Nandoon sila Kitkat," agad na tumibok nang mabilis ang puso ko. Tila ba lalabas na ito
"S-sino... sino-si...no po?"
"Your friends anak. Why?" Umiling ako.
"Wala po mommy, mag-aayos lang po ako. Bababa rin po ako."
"Oh sige, bilisan mo. Nakahanda na ang almusal. Hinihintay ka na rin nila Kitkat."
I did all my morning routines then bumaba na ako. Habang bumababa ay malakas ang pagpintig ng puso ko. Kinakabahan ako na natatakot sa mangyayari.
Pagbaba ko ay nakita ko sila Kitkat na nakaupo sa couch. Ngunit dalawang lalaki lamang ang nahagip ng atensyon ko. Ang magkaharap at seryosong-seryoso na sina Ysieve at Joshiro.
"Love!" Biglang tayo si Joshiro at hinalikan ako sa pisngi.
"H-hi.."
"Ehem! E.. e.. ehem!" Napalingon ako sa umubong si Aiden.
"So we came here kasi makikikain!" Masiglang sabi ni Jam
"And alam mo na, sasabay-sayo sa practice then mall tayo!" Ani Kitkat.
"Practice?"
"Hindi mo ba natanggap text ni coach? Ano bang nangyari sayo kagabi hah?" Tanong ni Jam nang puno ng pag-uusisa. Iniwasan ko ang kanyang mga titig niya.
"Ah... wala, sumama lang kasi pakiramdam ko. Ano... ahm... kain na tayo tapos magbibihis lang ako then alis na tayo," aniko.
"Sasama ka mag-mall?" Bulong sa akin ni Joshiro na medyo napalakas kaya napatingin sakanya sila Austin.
BINABASA MO ANG
Battle Of Hearts (COMPLETED)
RomanceChattiana Gabriella Romualdez, she's the true to life princess. The Romualdez' heiress. Beautiful, charismatic, kind and take note, a well known varsity player. She has everything, but happiness in her heart is still missing. No matter how hard she...