Pangalawang Kagat

760 40 5
                                    

"S-sino ka?" Na-amaze ako kung gaano ako nakapagsalita. Pucha, ikaw kaya makakita ng portrait brought to life?! Okay aamin ako na gwapo sya. Kung hindi creepy ang sitwasyon namin ngayon, aba, tinanong ko na yata sya kung single. Kaso medyo nakakaturn-off 'yung excessive gel nya sa buhok na para bang may batas sila na bawal magulo ang buhok. Kaya pala one-sided lang yung bangs ni Rizal at hindi messy look.

"Huwag kang magpanggap, Esperanza." He smiled but that smile screams all evil! Grabe! Nakakatakot talaga! Kung papatayin nya ako, pwede bang mag-suggest na rape muna?! Patikim ng konti! "Tiyak kong hindi ako ang taong mawawaglit mula sa isipan mo."

Teka, nawala na lahat ng takot ko sa katawan! Okay, gwapo sya, pero aba ang kapal naman ng mukha nya para sabihing he occupy most of the great and mighty Anatasia's thoughts! "Aba teka, Kuyang GGSS," lumapit na ako sa kanya. "Oo yummy ka. Oo gwapo ka. Hindi ko naman ipagkakait sayo 'yung mga 'yun pero kung 'yung mundo ng iba, umiikot sayo, ibahin mo 'yung akin. Araw ang iniikutan nito, hindi ikaw! Hindi nakasentro sayo ang buhay ng lahat ng babae!"

Kung may nakakaasar talaga sa society ngayon eh 'yun 'yung mga babaerong gwapong-gwapo sa sarili na akala mo lahat patay na patay sa kanila! Pwes, ako, maganda ako, hindi ko sila kailangan at higit sa lahat may utak akong hinding-hindi nila mauuto!

"Napapangiti ako sa mga salitang iyong sinasambit." Hinapit nya ang baywang ko kaya naman muntik nang mapasubsob 'yung mukha ko sa mukha nya! Jusko, 'yung iniingat-ingatan kong first kiss! Muntik nang makuha ng gwapong nilalang na ito na naligo sa pomada! "Nakakatawa ang paraan ng iyong pananalita ngunit hindi mo ako malilinlang, Esperanza. Alam kong nagtatago ka sa katawang iyan. Ngayon, lumabas ka na at harapin mo ako. Pagbayaran mo ang mga taong nagdaan dapat ngunit ninakaw mo mula sa akin."

Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak nya. Sinuntok-suntok ko rin ang dibdib nya. Shet, ang tigas! Pwede ko ba syang halayin kapag hindi na sya weird at hindi na sya creepy?

"Hindi nga ako si Esperanza! Ano ba?!" Pinakawalan na nya ako dahil hindi ako tumigil kakasuntok. Magsawa sya! If he asked nicely, baka hindi lang yakap ang pwede kong gawin sa kanya! Masyado kasing harsh, ang pangit tuloy ng first impression nya sakin!

"Nasayo ang kanyang mga alaala, Anastasia," at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Paano mo nalaman 'yung pangalan ko? Stalker ba kita sa Facebook?!" Private kaya 'yung account ko, imposible naman 'yun! Ano ka ba naman, Anastasia. Hindi pa ba nagsisink-in sa utak mo na hindi nga normal na tao 'yang kausap mo? Sa tingin mo may oras pa 'yang i-search ang Facebook account mo eh kalalabas lang nya mula painting na tinitigan mo lang kanina? Minsan talaga maganda lang ako.

Kumunot ang noo nya. Halata naman kasing napaglipasan na sya ng panahon, 'di ba? "Tsaka paano mo nasabing nasakin 'yung mga alaala nya? Eto ha, alam kong antigo ang mga Dominciana at mga Cunigundo kaya nadamay 'yung pangalan ko pero wala akong kakilalang Esperanza sa lahi namin! Seryoso, promise. Cross my heart. Mabawasan man ako ng followers sa Twitter at Instagram."

Tumaas ang isang kilay nya. "Seryoso, ano kasing trip 'to a dinadamay nyo ako? Nakahithit ka ba? Aminin mo na, 'di naman ako judgmental. Depressed ka ba?"

"Hindi saklaw ng kapangyarihan ko ang intindihin ang lenggwaheng napili mo, Esperanza."

Kapangyarihan? Ano sya, genie? Teka, illuminati yata 'to eh! It gets creepier every second! Lola Melencia! Agad akong nagtungo sa pintuan ngunit ayaw nitong magbukas! Baka naman sa labas lang 'to pwede buksan? I'm doomed! Kawawa ang sangkatauhan kapag pinatay na nya ako dahil mababawasan ang kagandahan na ipinagkaloob sa mundo!

"Pero iyan," he pointed towards the door. "Ay isa sa mga kaya kong gawin. Hindi ka maaring lumisan nang hindi natatapos ang ating usapan, Esperanza."

"Will you quit calling me Esperanza?!" I snapped. Punyeta, tuliro na ako sa Anastasia, idadagdag pa ang Esperanza!? Hindi sya sumagot at naalala kong hindi sya nakakaintindi ng English. "Ang sabi ko, 'wag mo na akong tawaging Esperanza utang na loob!"

"Naisip kong iyon lang ang maaring maging solusyon upang lumabas ang natatagong Esperanza sa iyong pagkatao, Anastasia."

"At ano? Uratin ako sa pagtawag sakin ng Esperanza?"

Napatawa sya. "Hindi ko maintindihan ang mga salitang namumutawi sa mapupula mong labi, Esperanza. Binabase ko na lamang ito sa mga ekspresyon na nakikita ko sa maganda mong mukha."

He caught me there. Bato lang ang hindi kikiligin! Sino bang ayaw nasasabihan ng maganda?! "Tama pa rin ang aking naiisip. Hindi pa rin nawawala ang epekto ng aking mga sinasabi. Namumula pa rin ang iyong mga pisngi. Ikaw pa rin ang aking Esperanza," his pupils darkened. "Ang Esperanzang nagtraydor sa akin."

"Teka lang!" I held my hands up. "Kasalanan ko bang sakin mo nakikita si Esperanza? Tsaka bakit kasi ako nadadamay? Napakadaya naman! Hindi ko naman pinili na maging Esperanza! Baka 'yung pagiging maganda, pinili ako, pero 'yung pagiging Esperanza, hindi ko talaga pinili! Paano? Saan? Wala naman akong kultong sinalihan. Wala naman akong dasal na sinabi dahil hindi nga ako nagbabasa ng History books - I mean libro tungkol sa kasaysayan! Bakit ba ako ang naging Esperanza?!"

"Kamukha mo siya," walang kalatoy-latoy nyang sabi. Bwisit, naglitanya ako ah! "Eksaktong-eksakto ang pagkakaukit sa iyong mukha na parang isang iskulptura na ibinase kay Esperanza. Isa pa, noong nakita kitang naglalaro noong limang taong gulang ka pa lang ay alam ko na. Alam ko na ikaw ang sisidlang napili ni Esperanza upang panirahan."

Sisidlan? So pinanganak lang ako para maging empty vessle ni Esperanza? Shet, ang unfair naman! I was born to be a beauty queen, not an empty ugly pot reserved for soul searching! "Nakakatakot ka! Hindi, hindi lang ikaw! Kayo ni Esperanza! Wala 'kong kinalaman sa buhay pag-ibig nyo pero buong pagkatao ko nayayanig dahil sa kalandian nyong dalawa!"

Ngumiti sya ng nakakaloko. Pucha, ang sarap burahin nung ngiti nyang 'yon gamit ang bibig ko! Wait, what?! "Wala ka namang magagawa, Anastasia. Mananatili ako sa iyong tabi hangga't hindi lumalabas si Esperanza at humihingi ng tawad para sa lahat ng nagawa nya. Para sa lahat ng taong inangkin nya."

Ang bitter naman nito! Hindi ba uso 'yung past is past?! 

"Magmove-on ka na lang! Malamang at sa malamang ay patay na 'yung sinasabi mong Esperanza kaya bakit naghahabol ka pa rin? Ang tindi mo rin eh! Tsaka pakiramdam ko hindi mo naman mahal ang Esperanza mo kasi kanina, mukha kang papatay ng tao nung makita mo ako pero sabi mo kamukha ko sya!"

"Hindi ako nagkulang, Anastasia. Minahal ko sya," he smiled sadly. "Ako ang hindi nya minahal."

Grabe. Ang mga sinaunang tao ba, emotional masyado? :( Ge bye. xobeyondforgotten

Ang Antigo Kong PapableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon