Panglimang Kagat

682 33 9
                                    

It's been a week at ngayon lang natuloy ang pagpunta namin sa tabing-dagat dahil biglaang sumakit ang ulo ni Lola Anchita. Wala, ganun pa rin ang buhay ko. Kaya nga lang, mas weird ngayon, because Sam's been sending me glances more often at lagi nya rin akong nginingitian. He would occassionally brush his fingers against mine kahit sa simpleng pag-aabot lang ng ulam. I find it weird at creepy at the same time. Kung hindi ko lang sya pinsan, kinilig na din ako having two papables during this damn vacation pero kasi pinsan ko sya. Ang creepy.

"Maari ko bang malaman ang rason ng pagsimangot ng iyong mukha?" At nakalimutan kong kaharap ko ngayon si Alfonso. The dreams haven't stopped and I'll usually wake up in the middle of the night, sweating and shouting things I don't really remember by dawn. Basta nandito lang sya tapos he'll hug me tighter tapos mawawala na. Ang romantic nga eh.

I've been feeling a lot weird these days. Minsan iniisip ko, talagang I have Esperanza's memories. Kasi ang clingy ko na towards Alf! (Ang cute ng nickname 'di ba hihi) He would kiss me sa umaga and my forehead sa gabi. And I'm craving for more! Nakakaasar! Kapag ako tinopak ng malala talaga, rerape-in ko na sya! "Wala ka na dun. Isipin mo na lang kaya 'yang Esperanza mo?"

He can't blame me. It's my time of the month kaya nabubwisit ako! At ngumiti lang sya! "Hindi ko na sya kailangang isipin," he said as he approached me and tug a lock of my hair behind my ear. "Ngayong nandirito ka sa aking harapan."

I almost threw myself right at him right there and then and would not care kung maturn-off sya! Nakakalaglag ng lahat ng suot kong pambaba ang mga sinabi nya! "Playboy!" Pinagpapalo ko ang balikat nya. "Playboy ka talaga! Playboy!"

"Aray! Masakit!" Sabi nya pero tumatawa sya. "Tama na!"

"Ikaw," hindi pa rin ako tumigil. "Dapat malaman mo ang leksyon mo! 'Wag ngang ganun bigla ka na lang bumabanat! 'Di ba sabi ko magpapasabi ka?! 'Di ba -" Hinawakan nya ang kamay ko. He lifted my chin using his forefinger and held my face close to his.

"Sabihin mo, Anastasia," his face was serious. "Masyado na ba akong nakakaabala sa iyong oras at iyon ang dahilan kaya ka nagagalit ng ganyan?"

"Hindi," I looked away. "Intindihin mo na lang sana ako kasi wala talaga ako sa wisyo ngayon." Pagsasabi ko ng totoo. Totoo naman kasi. Possible naman sigurong mainfatuate ka sa isang tao na isang linggo mo pa lang nakikilala 'di ba? Posible 'di ba? 'Di ba?! Mamatay na magsabing hindi! 'Yung ibang babae ni-like lang DP nila meron na agad sparks, eh kami kayang isang linggo nang magkasama sa kwarto?!

"Kung ako nga ang tatanungin," lumayo na sya sa akin at naupo malapit sa bintana. "Hinahangad kong manirahan na lamang sa inyong panahon at kalimutan ang mapait na nakaraan. Sa inyong panahon, na malaya at mayroong demokrasya..." 

Pucha! Talaga?! Ito na ba 'yung sinasabi nilang pagmomove-on?! "Oh, ano namang pumipigil sayo?" 

"Ito," itinuro nya ang lugar kung saan nandito ang puso nya. "Kahit anong hiling kong sana mawala ang espasyo kung saan blangko, kung saan nararamdaman ko ang kakulangan ng kabuuan nito, hindi pa rin nawawala. At alam kong si Esperanza ang natatanging paraan upang mapunan ang nawawalang parte ng aking puso."

Dun kumirot ang puso ko. Sige, isampal mo pa. Sige, ipagdikdikan mong wala tayong forever kasi si Esperanza ang soulmate mo. Naku, jusko. Kung hindi ko lang kamukha si Esperanza at kung nabubuhay sya ngayon dinikdik ko na sya gamit ang mortar and pestle ni Lola Anchita!

Ang Antigo Kong PapableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon