I went into my room after contemplating on what Kate had said and found Alfonso sitting on the bed. Hindi naman ako second best, 'di ba? Maybe we met because Esperanza willed to do so. Siguro parehas kami pero kasi, mukha lang naman 'di ba? Hanggang doon lang ang pagkakaparehas namin. I was different from her, and I still am. I knew it, and I felt it. He promised me he'd get over her and live for me, and I'd be holding on to that promise. "Paumanhin."
"Saan?"
"Wala akong naidudulot sayo kundi puro pasakit. Tunay ngang ang pagdating ko'y isang sumpa, at hindi na dapat pa akong magtagal -"
"Sshh," I cut him off. "Sabi mo naman mamumuhay ka sa panahong 'to dahil sakin. Okay na 'yun. Ayos na sakin 'yun. Kumbaga, nagmomove-on ka para sakin. Nagmomove-on ka sa pangit mong past."
"Mo- mo -"
"Move-on," I smiled at him. "Kakalimutan mo na 'yung babaeng naging dahilan kung bakit ka nakulong doon sa larawan na 'yun."
"Paumanhin muli kung napakagaling kong mangako. Maaring nasabi kong kakalimutan ko sya ngunit sana'y maunawaan mong hindi maaring mapabilis ang gayong proseso -"
"Alam ko naman 'yun," I cut him off, again. Ano bang akala nito sa akin, tanga? Loveless ako pero alam kong hindi napa-flush ang feelings, at lalong hindi overnight 'yun kahit ilang binyag pa ang gawin ko dito. Pwera na lang kung iba ang binyagan ko sa kanya... leche napakaberde ng utak ko! Nakakaasar! 'Yung hormones nya ang lakas ng dating, nakakabwisit! "Hindi ako pinanganak kahapon, wala man akong masyadong alam sa kasaysayan at kahit ikaw ang cum laude doon, pagdating sa feelings, pare-parehas lang nagiging tanga ang mga tao."
"Parang napakalalim ng iyong naging nakaraan upang masabi mo iyan, Anastasia."
Hindi malalim ang nakaraan ko, Alfonso. Natututunan ko lang lahat ng sinasabi ko by staying at your side. Pero syempre, hinding-hindi ko sasabihin 'yun. "Ano ka ba, may utak lang talaga ako. Sabi ko naman sa 'yo, hindi lang ako puro ganda. May utak ako na gumagana -"
"At may kaakit-akit na labi na hindi ko matiis," he cut me off with a light kiss and smirked at me after. Nanlaki ang mga mata ko. Napaka-abusado nitong punyetang gwapo na ito! Nakakaasar! Porke ba anytime na hingin nya maghuhubad na ako sa harap nya, pwede na nya akong ganituhin? I felt abused! I felt harassed! Papaluin ko na sana sya at sisigawan na naman ng playboy nang may kumatok sa pinto.
"Sa nakikita ko'y hindi ka pa nahihila pabalik ng realidad dahil sa aking nagawa," he said. "Ako na ang magbubukas." He stood up and headed for the door. Hindi ko rin alam kung bakit ako natahimik. Hindi ko rin alam kung bakit hindi naman ako umiwas. I saw it coming, for real. I just didn't know why I expected it.
I saw him frown. Lumapit ako sa kanya at nang nakita ko kung sino ang nasa pinto, nalaman ko kaagad kung bakit sya sumimangot. "Anna," Samuel said.
"Wala ako sa posisyon upang paalisin ka sa kwartong ito ngunit kung mamarapatin ng iyong konsensiya ay hindi pa napapanumbalik ni Anastasia ang dati nyang kapasidad upang ikaw ay harapin. Kahit magkagayon, ako pa rin ay humahanga sa lakas ng loob mong humarap ngayon -"
BINABASA MO ANG
Ang Antigo Kong Papable
FantasyMaria Anastasia Dominciana - Cunigundo. May isang tasang dugo ng pagiging Spanish sa buong katawan, labing-walong taong gulang, laking Maynila at ayaw sa mga lugar na walang wifi pero na-demote sa probinsya kasama si Lola dahil wala si Nanay at Tata...