"Okay na ba 'to?" Nagsuot ako ng manipis na shirt at shorts. Talk about being corny! "Ang ibig sabihin ko, ayos na ba 'to?"
Alfonso's just standing with his arms crossed, leaning against the wall. He's tapping his shoes on the floor like he was impatient. Impatient nya mukha nya! "Ang balat ng kababaihan ay dapat nirerespeto," his sour expression did not even change. "Sa wari mo ba'y rerespetuhin ka sa ganyang kasuotan?"
"Hindi ko kasalanang manyak kayong mga lalaki. Hindi ko kasalanang maganda talaga ako at hindi ko kasalanang may pagnanasa kayong lahat sa akin," taas noo kong sabi. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit loveless ako ngayon! Maganda naman ako, hindi naman ako ganun ka-skinny pero bakit?! Bakit hindi pa rin umuulan ng gwapo at lovelife? May pumatak nga, galing naman sa ancient times?!
He did not budge. "Saan nga ba kayo patungo muli?"
"Sa beach," at umirap ako. "Sa tabing-dagat."
"Anong inyong gagawin doon?"
"Kakain, malamang, at makikipag-usap ang mga lola ko habang pinapabayaan kaming magtampisaw sa dagat, ano pa ba? Lagi namang ganun."
"Iiwanan mo ako dito?"
Napatigil ako. Oo nga! Why I haven't thought of that!? "A-ano..."
"Tama nga ako," he smiled sadly. "Pinaplano mong lisanin ang aking tabi ngayong gabi."
"Ano ka ba!" I immediately approached him and shook his shoulders. "Hindi 'yun ganun! Sasama lang ako kina Lola kasi, alam mo na, magtataka 'yung sila dahil lagi akong nagkukulong dito sa kwarto samantalang sa Manila para akong hilaw na manok na nakatakas sa kusina dahil gagawin na syang tinola. Babalik ako, ha?" I touched his face. "Wag ka na mag-alala." I smiled at him as he touched my hand back.
"Iyan din ang sinabi nya," malungkot nyang sabi. "Iyan din ang sinabi nya noong huli kaming magkita."
Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi si Esperanza na naman and at the same time naiinis ako sa sarili ko. Sa tuwing nagsasabi sya ng pronoun, naiinis ako. Naiinis ako because I know he's pertaining to Esperanza tapos naiinis din ako sa sarili ko because I think I'm overreacting. I wanted to be that someone he thinks of whenever he says a pronoun. I wanted to be labeled as someone kahit wala akong pangalan. In that way, I'll be remembered by his heart, and not his brain. But who am I kidding? Si Esperanza nga kasi ang bida sa storya, Anastasia, at hindi ikaw. Stop hallucinating. Stop having assumptions. Ayan ka na naman.
"Babalik ako," I assured him. "Hindi ako si Esperanza, Alfonso. Ako si Anastasia. May pagkakaiba kaming dalawa at kailangan mong tandaan 'yon." I'm nothing like her. I would not leave you. But I'm betting on fate's will that it will be the other way around.
--
"I've forgotten how the wind here smells like," sabi sa akin ni Sam as we walk along the shore. Hindi sya Boracay-like na beach, at anong aasahan ko? Dito, libre lahat. Nandoon sila sa kubo nina Lola Tasing na pinakilala ni Lola Anchita kanina. Si Lola Melencia naman, tahimik lang. Si Lolo Narciso, ang cute nya magkwento, parang tourist guide sa isang museum. I wonder if he's the one Lola Anchita is referring to. 'Yung crush ni Lola Mely?
BINABASA MO ANG
Ang Antigo Kong Papable
FantasyMaria Anastasia Dominciana - Cunigundo. May isang tasang dugo ng pagiging Spanish sa buong katawan, labing-walong taong gulang, laking Maynila at ayaw sa mga lugar na walang wifi pero na-demote sa probinsya kasama si Lola dahil wala si Nanay at Tata...