Nabilaukan

617 28 3
                                    

It wasn't another scenario. It was me. And Esperanza. Together in one body. I didn't know how this happened or kung paano kami nakarating sa ganito. Basta alam ko lang na si Esperanza at ako ay nasa iisang katawan at hindi iyon maganda. Bakit ngayon pa? Kung kailan napagtagpi-tagpi ko na ang mga nangyari? Na minahal nila ang isa't-isa pero masyado silang takot na iparating ang totoo nilang nararamdaman kaya nung nakita ni Esperanza na  may kayakap na babae si Alfonso, lumuwag yata ang turnilyo ng utak nya at tumungo sya kay Demetria. Ito namang si Demetria, inuto si Esperanza kaya hindi nasunod ang gusto. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan ayos na ang lahat? When we're trying to be freed from the past?

"Hindi ka na nya mahal," Esperanza's voice echoed. "Ako ang mahal nya. Pinagtuunan ka lamang nya ng atensyon dahil iisa ang ating mukha."

"Punyeta!" I didn't know if it was allowed to scream and curse at someone who is already dead. My head was throbbing and it hurts too much. Para akong na-trap sa isang time warp. I couldn't feel my legs, my arms, I couldn't even hold on to something to support my weight na parang nadadagdagan nang nadadagdagan every passing second. Its like Esperanza took charge and my body wasn't mine anymore. "Siguro magkamukha tayo pero mas malaki ang pagkakaiba natin. Matalino ka pero anong ginawa mo? Kinulong mo si Alfonso sa loob ng isang larawan noong nakita mong kasama nya ang dati nyang pag-ibig."

"Tumahimik ka! Lapastangan! Nananalaytay ang dugong Claveria sa iyong kalamnan ngunit hindi mo man lang iginagalang ang iyong pinagmulan at ninanais mo pang angkinin ang kanyang irog habambuhay!"

I do not know how powerful Esperanza is. Hindi ko alam kung hanggang saan nya ako kayang kontrolin, o talagang kanya itong katawan na ito at pinahiram lang sa akin. Tiningnan ko si Alfonso. Nakapako pa rin sya sa kinatatayuan nya na nanlalaki ang mga mata. Sinubukan ko syang tawagin but my mouth won't open.

"Huwag mo syang tawagin," Esperanza's voice warned me again. "Ako lamang ang nakikita nya, at malamang sa malamang ay nawaglit ka na sa isipan nya."

I wanted to cry. I wanted to scream. Esperanza - my body - walked over to face the mirror and my reflection surprised me. Gone was the girl who had straight hair. Napalitan na ito ng isang babaeng mas maputi pa sa akin na nakatali ang kalahati ng mala-alon nyang buhok gamit ang paynetang gawa sa ginto na may mabibigat na bato. She was wearing a white gown with intricate beads sewn in the middle, dividing the upper and lower part. Nakasuot din sya ng gloves that extend to her elbow. She was wearing light make-up, but with no doubt, she's the prettiest bride I've ever seen.

And that's when I noticed it. Her gown matches Alfonso's suit the first time I met him, which means only one thing: she ran on the day of their wedding. 

"Esperanza," that was Alfonso. "Tunay ba ang aking nakikita? Hindi ba ako pinaglalaruan ng aking mga mata?"

"Hindi, Alfonso. Ako ito. Si Esperanza."

"Ngunit - paano -" Esperanza silenced him with a kiss. Though it was my body, I had to say I felt bad. I could see he was taken aback. Sa kanilang dalawa, si Alfonso lagi ang gumagawa ng paraan. He always does the first move, not Esperanza.

"Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng aking nagawa, Alfonso," she said, while holding his hand. "Naduwag ako. Naduwag ako dahilan ng hindi ko pagsasabi ng aking tunay na nararamdaman, Alfonso. Nabalot ako ng takot, nalunod sa pangamba, kaya naman ako'y humantong sa gayong desisyon. Pakiusap, pagbigyan mo sana ang aking hiling."

Ang Antigo Kong PapableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon