Pangsiyam na Kagat

572 22 0
                                    

"Malapit nang sumapit ang dilim, Anastasia. Wala ka bang planong bumalik?" 

Kanina pa kami naggagala nitong si Alfonso. Ayoko kasing umuwi eh. Panigurado lang na bubulyawan ako ni Lola Anchita. Magtatago lang ako sa saya ni Lola Mely. "Alfonso, 'di ba may kapangyarihan ka? Pwede mo bang patigilin ang oras pag sinesermunan na nya ako? O kaya pabilisin mo na lang para hindi gaanong sumakit ang tenga ko."

"Ikaw talaga." Ginulo nya ang buhok ko at tinabig ko naman ang kamay nya. Inayos ko ulit ang buhok ko. Hello, pang-shampoo commercial yata 'to. "Hindi maganda ang gayon, Anastasia. Sabay nating haharapin ang iyong lola dahil parehas tayong may kasalanan. Paghahatian natin ng pantay ang sermong igagawad nya."

Jusko. I have a feeling na wala syang kaalam-alam kung anong sermon noon at ngayon. Ang ibig sabihin kasi ng sermon dati, something to warn you not to do it again next time, something na sasabihin sayo ng matatanda para matuto ka sa kasalanan mo. Eh ang sermon ngayon, eh isang walanghanggang pagpapaalala sayo kung gaano ka katanga, kung gaano ka hindi nag-iisip, kung gaano ka kawalang kwenta at wala ka nang ginawang mabuti kundi maging isang pariwarang anak at rebeldeng apo.

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Ngunit gusto kitang maintindihan. Gusto kong maintindihan ang lahat ng bagay tungkol sayo, Anastasia."

I just stared at him and let myself inhale his presence. Para kasing joketime lang lahat. Kung titingnan mo lang sya mukha naman syang normal. Pag nagsalita sya, parang normal na probinsyano lang na hindi naturuan ng conyo. He seemed normal. We seemed normal.

But we both know na niloloko ko lang ang sarili ko. We were never normal. Hindi ko alam kung kailan matatapos 'tong fairytale-like naming story... and I'm finding myself getting more attached each day and it was nice. There's just this weird pleasure in loving adventure, and I felt like I don't care anymore what the odds are. I just wanted to trust everything I had.

"I like you," I smiled sheepishly. Buti na lang talaga hindi sya nakakaintindi ng ibang language, jusko, instant paliwanagan ang mangyayari.

"Ay.."

"Aylaykyu," ulit ko. "Pero hindi ko sasabihin sayo ang ibig sabihin nun." Kapag nandito ka pa pagkatapos ng isang buwan, sasabihin ko na talaga sayo ang ibig sabihin nyan."

It was too early. Too early to entrust my whole self.

--

Nakalipas ang tatlong linggo na palagi na lang sinasaway ni Lola Mely si Lola Anchita for being too strict with me and Alfonso. It was clear that we were inseparable and he can't stay calm kapag wala ako sa tabi nya. In return, hindi rin ako makagalaw ng maayos kapag wala sya. Hindi ko alam kung nagiging clingy na ba talaga ako o sadyang nanghihina ako kapag hindi ako malapit sa kanya. 

At first, I thought it was too absurd. Ang arte ko lang yata at nagiging masyadong selosa kaya nababadtrip ako pag wala sya. But one time, I fainted when he went out to do Lola Anchita's bidding. Nabadtrip ulit ako dahil pinabili lang sya ng kalamansi sa palengke eh ang dami naman sa likod-bahay and it was another crazy antic again.

Ang Antigo Kong PapableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon