Pang-apat na Kagat

658 33 1
                                    

"Anastasia."

"I'm trying to sleep here!" Napahilamos ako sa mukha ko. "Ang sabi ko, gusto kong matulog!"

"Ngunit ako ay may problema," at hindi nya ako tinigilan. He kept on tapping my shoulder! Nakakaasar! I sat up straight and glared at him.

"Wala akong pakialam sa problema mo kasi marami na akong akin!" Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot akong matulog kasi baka makaalala na naman ako. I'm slowly accepting the fact that maybe, just maybe, I have Esperanza's memories Nakakalungkot nga lang dahil sisidlan lang talaga ako. Kahit pala noong unang panahon wala na akong silbi. Gaya ng sinabi ko, ang creepy lang kasi. Nagiging favorite word ko na nga 'yun along with the bad words sa araw na 'to dahil kay Alphybabbes. Ang baho. "Matulog ka na nga lang! Tao ka naman 'di ba? Siguro naman pagod ka na? Matulog ka na!"

"Nagagalak ako gayong nag-aalala ka sa akin," ngumiti sya at tinuro nya ang tiyan nya. 'Wag mong sabihing nagugutom sya?! "Ngunit kailangan ko ng panlaman sa kumakalam kong sikmura."

Halos mabaliw na yata ako sa sinabi nya. "Nagugutom ka?! Bakit? 'Wag mo namang sabihin na lumalabas ka dyan tuwing gabi para magnakaw ng mga tirang ulam ni Lola Mely?!"

"Hindi," he shook his head. "Ngayon lang ako nakalabas sa larawan. Ngayon lang ako nakipagpalitan ng salita sa isang tao mula sa kasalukuyan. At ngayon lang ako nanuluyan ng matagal sa labas ng larawan kaya hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nagugutom ako."

Bwisit! May isa na naman ba akong palamunin!? Tiyak na 'di nya ako tatantanan at hindi ako makakapagpahinga ngayong gabi! Padabog akong tumayo at lumabas. Syempre hindi ko nakalimutang sabihing i-lock nya ang pinto ngayong gabi. Tahimik akong bumaba papunta sa kusina at hinanap kung may tirang manok mula sa hapunan namin kanina. Tahimik akong nagbukas ng fridge.

"Anna?"

"Ay tangina!" What's with people at lagi nila akong ginugulat?! "Sam? Bakit nandyan ka? Pupukpukin na sana kita ng plato!"

He chuckled. "I saw you went out of your room careful not to make any noise. I assumed you're doing something... something illegal."

Si Sam, kasing-edad ko, mas matanda lang siguro ng ilang buwan. Sa America 'yan nag-highschool kaya hindi ko nakita kung paano sya naging gwapo. Dati kasi uhugin lang sya at ako ang unang-unang nangbubully sa kanya. Ngayon mas magaling pa mag-English sa akin. Ang sarap sapakin. Nandito lang sya kasi magcocollege na sya sa September. "Kung maka-illegal ka naman! Ano, nagutom lang kasi ako." I laughed nervously. Please buy my excuse. Please buy my excuse and don't ask further. 'Wag mo sanang maalala na may hika ako at allergic ako sa manok.

"O-kay?" He shrugged his shoulders. "Ang weird mo lang kanina." He opened the fridge again and poured himself a glass of water. 

"Hindi ka rin ba makatulog?"

"Hmm, oo," he smiled at me. Ang tagal kong 'di nakasama si Sam, and the last time I remembered, hindi naman sya 'yung smiley type na tao. "Sige, aakyat na 'ko. Goodnight, Anna." And he kissed me on my forehead. Kinilabutan ako, punyeta! Hindi sya palaging nagssmile noon at hindi rin sya 'yung protective type na pinsan kaya naninibago na ako ngayon!

Ang Antigo Kong PapableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon