Unang Kagat

1.4K 44 2
                                    

Manila to Laguna, 2014

Jusko, ang boring dito sa probinsya. Nung nakikita ko pa lang na nawawala na sa paningin ko ang mga buildings at malls na napapalitan ng mga puno at halaman na hindi ko pa nakita sa buong buhay ko ay napailing na lang ako. 

"Tita, malayo pa ba?" Naiinip na talaga ako sa likod ng van. Tsaka, bakit ako lang 'yung na-exile? Grabe. 'Yung dalawang kuya ko, hinayaan nilang manirahan sa bahay kahit wala si Mommy at Daddy. Eh paano naman ako? Ito, napatapon sa kasuluk-sulukan.

Hala, umuwi sa Lola! 'Yun ang sabi ni Mommy. Akala mo naman ang bata ko pa. Hello, eighteen na kaya ako. Pwede na 'kong makulong pero hindi pa 'ko pwede mabuhay mag-isa sa loob ng dalawang buwan? Anong klaseng logic ang meron ang mga magulang ko?

"Anastasia," I cringed. Anna na lang! Grabe, ang tanda ng pangalan ko! Kulang na lang tawagin akong Trinidad, Rosario, Severina, Crustasia, lahat na ng sinaunang mababahong pangalan na hindi ko ma-take!

My full name was Maria Anastasia Domiciana - Cunigundo. 'Yung mga ninuno yata namin ay natakot sa sibilisasyon kaya nananatiling luma ang buong pangalan ko! "Wala ka pang isang oras na nakaupo. Marami naman tayong baon, magbukas ka na ng isang kutkutin o kaya  ay matulog ka. Matagal-tagal pa ang byahe."

Bumalik ako sa pagkakasandal and tried to admire the trees! Grabe, ang exciting. Sobra. Note sarcasm.

Sa sobrang saya ko buong byahe ay hindi ko namalayang nakatulog na ako at nagising na lang ako noong niyugyog ako ng pinsan ko. Niyugyog. Literal. Nauntog nga ako sa salamin eh. Namana rin yata namin ang pagiging brutal ng mga Spaniards.

Sya nga pala, kahit antigo ang pangalan ko, maganda naman ako. May lahi yata kaming Spanish! At pinagmamalaki ko 'yan nung highschool ako kada first day of school. Hindi naman siguro ako magiging crush ng bayan kung hindi ako maganda. Matangos ang ilong ko at matapang din daw ang mukha ko. Hindi sa nanununtok ang mukha ko ngunit mahahalata mo nga raw na may iba akong lahi. Mukha namang Pilipino si Mommy at Daddy pero nagtataka nga sila na ako ang pinaka-iba ang mukha.

'Yung mga kuya ko, gwapong lalaki lang. Pero ako, magandang magandang babae. Aba, blessed yata ako.

"Anastasia, Shiela, Kate, Sam!" Narinig ko si Lola Melencia na tinatawag kami. Nakita nyo na? Sa magpipinsan ako ang may pinakalumang pangalan. Kahit pambabae ang pangalan ni Sam ay modern pa rin ito at may kapangalan pa syang artista. Eh ako? Kamusta naman na buong pangalan ang itatawag sakin?

Sinalubong namin sya at nagmano muna kami bago yumakap. Oo, may manners ako kahit maganda ako.

"Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagpunta dito, Lola Mely," sabi ko sa kanya. Ayoko nga ng Melencia. Sige magtawagan pa kami ng Melencia at Anastasia tingnan natin kung hindi ako maloka ng dalawang buwan. Isinuka ko nga ang History subject ko last sem!

"Pangalawang beses mo pa lang yata dito, pero wala namang nagbago, Anastasia." I flinched. I should get used to the way she calls me. Dalawang buwan kaming magsasama!

"Hali kayo dito, mga bata," pina-akyat nya kaming lahat at pinakita ang mga kwarto. "Dito kayo, Shiela, Kate. Dahil dadalawa lang ang kama dito sa kwartong ito, sa kabila ka, Sam, at ikaw, Anastasia, ay doon sa dulo."

Ang Antigo Kong PapableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon