Laguna, 1888: Pag-aanunsiyo ng nalalapit na kasalang de Madrid-Claveria
Nagkaroon ng isang malaking selebrasyon at imbitado ang halos lahat ng aristokrato. Hindi mawari ni Esperanza kung bakit kailangan pa ng ganito kagarbong uri ng pagdiriwang samantalang ikakasal na sila susunod na kabilugan ng buwan, at tiyak na may isa na namang selebrasyon para doon.
"Bakit pa ba kailangan ng mga ganito?" Usal nya sa sarili habang inaayusan sya ng kanyang mga alalay. "Tiyak akong hindi lang ganito ka-engrande ang mga susunod pang selebrasyon dahil hindi pumapayag si Ina sa mga simpleng bagay." Napabuntong-hininga ito.
May kumatok sa pintuan ng kanyang silid. "Maria, tingnan mo nga kung sino ang pangahas na naglakas-loob gambalain ako samantalang nasa inaalipin ang aking isip ng poot sa mga nangyayari."
Agad namang tumalima ang naatasan. "Binibini, nandito po si Señor Alfonso."
Napatayo sya sa kanyang kinauupuan. "Isa ngang pangahas -" Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil dire-diretso ito sa loob ng kanyang silid. Nakasuot ito ng isang barong na halata niyang itinahi gamit ang pinakapinong materyales at piñang tela. Tumigil ito sa kanyang harapan at tiningnan sya mula taas hanggang ibaba na para bang isa syang kagamitan na kailangang tingnan kung mayroong bahid na hindi kaaya-aya.
"Hermoso," ani Alfonso. "Señora Esperanza Claviera - de Madrid." Agad nitong hinapit ang kanyang baywang at tanging ang kanyang kasuotan lamang ang pumigil sa kanya upang lumpuhin ito at tiyakin na hindi sila magkakaroon ng supling. Kay hirap gumalaw sa sayang pinili ng kanyang Ina!
Tumingin sa ibang direkson ang kanyang mga alalay at hinayaan sila sa kanilang personal na espasyo. Nagsisisi syang hindi sya nagpumiglas dahil napatitig na lamang sya sa mga mata nito na nagtataglay ng kulay ng alak at tila ba sya ay nalalasing dahil sa kagandahang taglay ng mga ito. Hindi naman nya itinatangging napakagandang lalaki ni Alfonso at hindi nagpapahuli ang kanyang angkan; kahit sinong babae ay magagalak na kanyang maging maybahay.
At isa sya sa mga babaeng iyon.
Ngunit ang isang pumipigil sa kanya upang pagkatiwalaan ng husto ang mapapangasawa ay ang pagtrato nito sa kanya. Masyadong mapusok, masyadong nakakaakit; masyadong malayo sa realidad. Kilala si Alfonso sa bilis nitong magpalit ng babae na kasingdalas ng pagpapalit nito ng karsunsilyo. At ngayong napagdesisyunan na sya ang magiging huling babae sa buhay nito, hindi nya maiwasang mangamba sa kabila ng mga matatamis na salitang namumutawi sa bibig nito.
"Ano bang ginagawa mo dito?!" Pinilit nyang maka-alis sa pagkakahawak nito sa kanya ngunit hindi natinag si Alfonso. Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha sa ganoong mga gawi nito. Pinapakita lang nito sa kanya na isa lang syang pag-aari. Isang kagamitan. Isang bagay na maaring palitan.
"Gusto ko lamang makita ang aking magiging maybahay," pinakawalan na sya nito at hinalikan sa sentido. "Hindi ko gusto ang nararamdaman ko kapag nalalayo ako sa 'yo ng matagal, Esperanza." At umalis na ito pagkatapos syang bigyan ng isang ngiti.
Nabingi sya sa lakas ng pintig ng puso nya.
--
Laguna, 2014
"Diyos ko! Maawa't mahabag!" Nagising ako sa boses ni Lola Anchita, hipag ni Lola Melencia. Naalimpungatan ako at nagpapasalamat ako sa boses ni Lola Anchita at wala na akong pakialam kung nasa kwarto ko na sya ngayon. Nanaginip ako.
BINABASA MO ANG
Ang Antigo Kong Papable
FantasyMaria Anastasia Dominciana - Cunigundo. May isang tasang dugo ng pagiging Spanish sa buong katawan, labing-walong taong gulang, laking Maynila at ayaw sa mga lugar na walang wifi pero na-demote sa probinsya kasama si Lola dahil wala si Nanay at Tata...