I shivered at his response. Langya, anong trip nitong engkantong 'to?
"Teka lang ha, kuya, hindi kita maka-usap ng matino dahil kahit ako hindi ko alam ang pangalan mo. Sino ka ba at para naman kahit papaano ay makapag-search ako sa Google kung saka-sakaling makasagap ako ng signal dito sa God-forsaken place na 'to?!"
Hindi sya sumagot. Tinitigan nya lang ako habang nakangiti. At sa hindi malamang dahilan, napako muli ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan nya ako.
"Alfonso," nakarinig ako ng isang boses. Tiyak akong hindi kanya dahil akin ang boses na 'yon! Akin! Dalawa lang naman kami sa kwarto at boses babae ang narinig ko! "Ikaw ba si Alfonso de Madrid?"
Mas lalong lumawak ang ngiti nya. "Nakita mo na? Na sa 'yo ang mga alaala ng aking mahal na Esperanza."
"Ano bang ginawa mo sa akin?!" I shrieked. "Baka naman pati utak ko kaya mong kontrolin kaya ko nasabi 'yon! Grabe! Pinagsasamantalahan mo talaga ako!" I immediately regretted the usage of words I've chosen because he started taking big steps, walking towards me. My response is to step backwards, and not soon enough, I felt the cold wall against my back. Pucha, ang sweet naman! Parang sa mga manga at anime na pinapanood lang nina Kuya, pero ang pagkakaiba, tao 'yun! Itong nasa harap ko, mukhang tao lang!
"Kahit masidhi ang nais kong parusahan ka para sa mga kasalanang nagawa mo sa akin," he brushed his fingertips across my lower lip. Jusko! Tinatawagan ko na ang lahat ng mga santo dahil hindi yata tamang kinikilig ako while he's torn between loving me and killing me! "Nananaig pa rin ang sinisigaw ng puso ko at ang aking nararamdaman para sa 'yo, Esperanza." And he leaned forward and kissed me.
Langya, bakit ba wala akong magawa?! Wake up, Anastasia! First kiss mo 'yan! Ni hindi ka nyan niligawan, binigyan ng flowers, kahit magpaalam na manliligaw hindi nyan ginawa at kahit gwapong-gwapo ka sa kanya, 'wag na 'wag kang magpapadala! Pero sadya yatang naiwan ko sa Manila ang utak ko dahil nang magsimulang gumalaw ang kanyang mga labi ay napahawak ako sa mga balikat nya for support. Nakakapanlabot ng tuhod!
Lumayo ako ng kaunti at hinapit nya ulit ang baywang ko para hindi ako makalayo mula sa kanya. Nakita nya yata na tatanga-tanga ako humalik. Ano bang aasahan mo? Wala pa akong experience! Zero! Bokya!
"Hayaan mo ako," he said before letting his face crash into mine again and capture my lips in his. Bakit ba ganito?! Bakit parang sunud-sunuran ako?! Hindi ba pwedeng smack lang ang first kiss ko? Masyado ba akong maganda para pati first kiss ko, intense? I was drowned in his kisses. Teka, papable Alfonso na kasing baho ko ang pangalan, bakit ang galing mong humalik!?
"Hoy ginoong Alfonso na gwapo pero gago!" Pinitik ko ang noo nya. "Masakit. Pagkatapos kitang biyayaan ng isang piraso ng aking sarili ay ito ang igaganti mo sa akin?"
"Akala mo magpapaloko ako sa 'yo?" Dinuro-duro ko ang mukha nyang gwapo. One of these days hahanap ako ng kamukha nya para maging boyfriend! Kailangan kamukha nya, pero hindi sya! Dapat in charge ako, pero sa aming dalawa, sya kasi ang may control! Ang unfair naman yata non dahil maganda rin naman ako. Bwisit!
"Hindi mo ako maloloko, grabe ka! Higit isang-daang taon kang nakasabit sa dingding ng bahay ng lola ko tapos ang galing-galing mo pa ring humalik? Isa't kalahating gago ka! 'Yung natitirang kalahati, playboy na!"
BINABASA MO ANG
Ang Antigo Kong Papable
FantasyMaria Anastasia Dominciana - Cunigundo. May isang tasang dugo ng pagiging Spanish sa buong katawan, labing-walong taong gulang, laking Maynila at ayaw sa mga lugar na walang wifi pero na-demote sa probinsya kasama si Lola dahil wala si Nanay at Tata...