Pangwalong Kagat

672 33 4
                                    

He took my hand in his. "Napakaganda ng inyong mundo, Anastasia. Malaya. Walang kahit anong bahid ng dugo o pagmamalupit."

We ended up on the beach, again. Saan pa ba mas maiging magtago kung hindi sa lugar na napuntahan na ng mga pinagtataguan namin? Hindi na naman siguro sila babalik dito. Siguro lahat na ng atensyon na kay Sam at sa mga kasinungalingan nya. I couldn't even imagine myself succumbing to his desires, ano. Over my dead sexy body and pale pretty face. "Masyado ba talagang malupit ang panahon ng mga Kastila?" Yes, I've read history books, but we had heroes, right?

"Nakatala ba sa mga aklat ang mga pangyayaring naganap? Gaya ng ano?"

"Uhh..." I tried to recall what my history teachers told me. Nakakaasar, ni hindi nga ako naka-uno sa Rizal tapos instant review ang mangyayari sa akin ngayon! "Pinipilit ang mga Pilipino na magtrabaho ng sapilitan.."

"Polo Y Servicios."

"Oo, tama, 'yun! Polo. Tapos, wala silang karapatang umangal sa gobyerno, tapos 'yung mga Pilipino na gustong mag-aral, nananatili lang sa anino ng mga estudyanteng Kastila dahil sa pagmamaliit ng mga Dominikanong Prayle." Whoo! May natatandaan pa rin pala ako kahit kaunti. 'Wag ka na magtanong,  Alfonso, please lang! Dumudugo na talaga 'yung utak ko sa surprise quiz na binibigay mo.

"Higit pa riyan ang naging epekto ng pagdating ng mga Kastila, Anastasia." His eyes were sad. "Kung alam mo lamang."

"Naku, hindi ko na pinapangarap 'yan! Ayokong magsuot ng saya, ano. Jusko, nagpapasalamat na lang ako at may mga bayaning gaya ni Dr. Jose Rizal, Andres, grabe, sino pa nga?" Can I at least pretend na masama ang pakiramdam ko? Nasusuka na ako sa history shits!

"Wala ka na bang ibang kilalang naging bayani? Kahit sinong naging tanyag sa inyong panahon?"

"Marami naman, tsaka nasa pera kaya sila. Kilala mo si Josefa Llanes Escoda? Nagtatag 'yun ng girl scout!" I grinned as I made the mockingjay salute, but in shoulder level kaya pang-girl scout sya. Hindi naman sya sumagot. Naalala kong hindi naman nya kapanahunan si Josefa at kahit si Ninoy at si Cory ang sabihin ko na nasa pera ay hindi naman nya sila makikilala. Jusko, ang hirap ng adjustment na gagawin ko kapag naging mag-asawa na kami!

"Isa pa iyan sa ikinalulungkot ko," his head hung low. "Iilan ang nakilala, at dahil iyon sa popularidad ng kanilang mga nagawa. Maging ang mga ordinaryong Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay ay hindi na maalala at ni hindi makita ang kanilang mga labi dahilan kung saan lamang itinapon ang kanilang mga kalansay. Ni hindi -"

"Sssh." I put my finger over his lips. "Hindi mo na kailangang mag-alala. Malaya na ang  Pilipinas. Kahit naman anong gawin mo, hindi mo na mahahanap 'yung kalansay ng mga sinasabi mo. Ang mahalaga, hindi naman napunta sa wala 'yung ginawa nila. 'Di ba?" Hindi ko alam kung nagpapacute lang ako or what kasi hindi ko naman ineexpect na iaappreciate ko ang Philippine History ng ganito. "Pero bakit ba malungkot na malungkot ka eh sobrang yaman nyo nga 'di ba? It's not like pinipilit ka nilang magtrabaho kasi kaya nyo namang magbayad."

"Isa akong Insulares, Anastasia. Kahit anong ibig kong tumulong sa bayang sinilangan ng aking ina ay nananaig pa rin sa aking katauhan ang pagiging isang Kastila dahil sa aking ama. At kahit gustuhin ko, ay hinding-hindi ko kayang tumiwalag sa pamilyang nag-aruga sa akin. Mahal ko ang aking pamilya, Anastasia."

Ang Antigo Kong PapableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon