Chapter 4

4.7K 146 31
                                    

Jema



"Hi Jema!"

Ngumiti ako kay Niña. Taga-section B siya. Kaklase ko siya last year.

Sa totoo lang, hindi naman kami magkaibigan noon, ngayon lang nung nagkacellphone ako.

May mga time na pinupuntahan niya ko sa room pag lunch o recess.

Nung nakita kasi ng mga kaklase ko na may cellphone na ko, kinuha nila ang number ko at isinama sa clan nila.

Ang mga miyembro nun ay mga kapwa ko Grade 8 na may cellphone.

Nung unang araw na sinali nila ako sa clan, grabe yung tunog ng cellphone ko!

Grabe sila mag-chat. Ang sisipag nila magtext.

Napupuno agad ang inbox ko ng mga text nila.

Kaya ngayon nakasilent na lang siya lagi.

Pag nasa school ako, nakasabit ang cellphone ko sa leeg ko.

Bumili ako ng pikachu na cellphone case at lace.

Yun kasi ang favorite kong cartoon character at color na canary yellow.

Hinahayaan ako ni Mama basta ginagawa ko pa rin ang mga requirements sa school.

Paguwi namin galing school ay dapat ginagawa ko muna ang mga assignment ko. Pinapabantayan ako ni Mama kay Manang. Nilalagay muna niya sa bulsa ng duster niya yun habang di pa ko tapos.

After dinner naman ay 30 minutes lang ako puwede, after nun ay maghahalf bath na ko.

Binibigyan ako ni Mama ng hanggang 8:30 ng gabi para magcellphone.

Pagtapos nun ay kinukuha na niya at binabalik niya na lang sa umaga.

Akala niya naglalaro lang ako. Pero ang totoo, binabasa ko yung mga text sa clan.

Pag surrender ko kasi sa kanya ay wala nang laman ang messages. Lahat ng nasa inbox at sent messages ay binubura ko.

May isa pa kong katext. Si Deanna Wong. Sabi niya ay nagaaral daw siya sa isang Chinese School sa Maynila.

Nung tinanong ko siya kung paano niya nalaman ang number ko, nung una di niya inamin.

Pero nung lagi na kami magkatext ay nalaman ko na dahil pala yun sa pinagbilhan namin ng cellphone sa mall.  

Nandoon daw siya nung araw na yun. Daddy daw niya yung may-ari ng pinagbilhan namin.

Nandun siya habang bumibili kami.

Mabait naman siya kaya naging katextmate ko siya.

Sa totoo lang na-a-adik na ko kakacellphone. Minsan pag may nag-aaway sa clan ay masakit sa loob ko pag oras na para bitawan ko to.

Gusto ko kasing makita kung ano yung susunod na usapan.

Pag umaga pagdating sa school ay huli na ko sa balita. Minsan yung magkaaway ay magkabati na, minsan naman baligtad. Yung nagbibiruan lang kagabi ay nagkakagulo pagpasok ko sa school.

Sa clan, di ako sumasali sa usapan hanggang di ako tinatanong.

Sa totoo lang parang di na nakakatuwa yung clan.

Lagi kasi may nagkakaasaran.

Ang katext ko lang naman talaga ay si Deanna. Kahit medyo puro kayabangan ang alam.

Hinahayaan ko lang kasi araw-araw akong pinapaloadan. Nakakahiya namang wag replyan.










Ngayong araw na to, may magkaaway sa clan. Si Niña at si Lorraine. Si Lorraine ay kaklase ko. Nagumpisa lang yun sa biruan tungkol sa crush ni Niña na kaklase namin at laging kasama ni Lorraine, si Ethan.

I Love And Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon