Deanna
When you feel like every effort you did was not appreciated,
When all the things you worked hard for were easily thrown out of the window,
When all your sacrifices were wasted,
When all the love you give was not reciprocated...
Nakakaputangina!
Gusto ko nang mamatay!
Nakakailang bote na ko ng beer.
Nandito ako ngayon sa mansyon, sa gilid ng pool. Lahat ng bote na nauubos ko, binabato ko.
Walang nagtatangkang kumausap sa akin.
Umalis si Mario. Di ko alam kung saan nagpunta.
Si Kuya Apeng, umuwi kay Ate Daisy kaya wala rin siya.
Si Winston, di lumalapit sa akin pag ganitong mainit ang ulo ko.
Sila lang ang close ko sa dami ng tao dito kaya maliban sa kanilang tatlo, walang mag-aangas na kausapin ako.
Nasa Europe ngayon si Dad.
Nasa Italy siya dahil under construction na ang luxury cruise na pinapagawa namin. Once a month kung bumisita siya dun. And usually two to three days siya nagiistay dun.
Jessica...
😭😭😭
Why can't you understand?
Simula ng naging tayo, sayo na umikot ang mundo ko.
Gusto ko safe ka,
Gusto ko healthy ka,
Masama ba yun? Ayokong may masabi ang mga magulang mo sa akin!
Gusto kong ipakita sa kanila na you made the right decision when you chose me.
That you're in good hands.
We may not see each other 24/7 but I always make sure that you are well.
I am preparing our future while I maintain your present.
Kahit anong pagplano ko sa hinaharap, wala rin yun pag may di magandang nangyari sa kanya diba.
Did I do something wrong?
😭😭😭
Naubos ko na yung six bottles ng beer.
Pero hindi naman lahat yun nainom ko. Yung dalawa naibato ko na kahit di ko pa nakakalahati.
Sobrang sakit naman nito!
Para akong namamanhid na di makapaniwala na di ko maintindihan.
Yung parang nakakatulala,
Totoo ba to?
Wala na kami?
😢😢😢
Dinial ko ang number ng tracker ni Jessica.
Dahil di niya tinanggap ang phone na binibigay ko noon, tracking device na direct sa database ni Dad ang ginagamit ko para malaman kung nasaan siya.
