Deanna
"So mali pala kami ng pinuntahang bahay. PBB house pala to. Bakit niyo nilagyan ng madaming camera dito?!"
Pagpasok pa lang namin, nalaman ko na ang nagkalat na cctv camera. Dito pa lang sa helipad, apat na.
Pagbaba namin ni Jessica, lahat ng sulok meron. Buti di niya napapansin.
Yung private phone ko kasi can detect cameras, nagalarm siya paglapag pa lang ng chopper.
Si Mario ang tinawagan ko, di na siya sumama, third wheel daw kalalabasan niya.
Kaya pala okay lang na magpaiwan siya. Sobrang secured ng lugar na to.
"Wait lang YM ah! Hindi kami or ako, si Master ang nagpagawa niyan. Di ko alam ang purpose kung bakit. Pwede ko ba itanong yung ganun, edi nasisante ako?!"
I will remember to ask Dad later.
Magpapaalam na ko kay Mario nang,
"As if naman na may gagawin kayong hindi namin dapat makita, duh..."
😶😶😶
"What do you mean? So nakamonitor kayo sa amin? Connected tong bahay diyan sa Manila?"
"Of course! Sa basement diyan ay may headquarters ang mga guards. Wag niyo na pong hanapin kasi di niyo makikita. Nabigay na po ba ng maid yung radyo?"
Radyo?
Right on cue, binigay na sa akin ng maid yung parang cellphone pero makapal at malaki.
Tiningnan ko agad ang laman nito.
Just like an ordinary phone, touchscreen din but it is a radio.
May mga tao nga dito na hindi namin nakikita.
"So at least I, have to be cautious sa mga kilos namin dito?"
Anong nakakatawa sa tinanong ko?
"Haay nako YM! Don't tell me may dapat kang ikaconscious?!"
😤😤😤
"Gago ka ah. Alam niyo naaasar na ko sa topic na yan. Bakit ba parang mas gugustuhin niyo pang may gawin ako kay Jessica?"
Mali na ba na sundin ko ang rules ng Mama niya?
Paano ako magugustuhan kung susuwayin ko siya?
Gusto talaga nilang lahat gawin ko yun eh!
Hindi ba pwedeng magpakasal kami ng virgin?
"Lambing YM, wala ka nun sa katawan, pasalamat ka mahal ka ni Maam Jema. Natitiis niya yung ganyan lang kayo na parang magtropa lang. Pero eventually mananawa din yan pag ganyan ka ng ganyan."
