Deanna
Here I am, sitting in the car, tulala.
Nasa grounds pa rin kami nila Jessica.
Si Mario nasa driver seat, waiting sa go signal ko. Ako nasa backseat, nakatulala sa phone ko.
Kanina naparing ko pa ang phone niya pero di na ngayon.
Ano na ba nangyayari Jessica...
Haaay...
Bakit nagkakaganito kayo?
Bakit nagkakaganyan ka?
Bakit kahit ganyan ka eh ganun pa rin Mama mo?
Kung di nangyari yung ganun, ganyan pa rin kaya siya?
Kung bakit nagkakaganyan kayo kahit ganun na nga nangyari noon, di ko talaga alam sa ngayon.
Pero sana maayos na yan soon.
I anticipated the day that I will see her again,
Madami akong naimagine na scenario sa utak ko.
Pero di katulad nito,
Akala ko pag nagkita kami things will get better and we will live happily ever after.
Pero wala pala kami sa fairy tale books, iba pala pag sa totoong buhay na.
Dami complications, daming problema.
And those problems are not easy to solve.
Hindi ko naman puwede ipa-brain transplant ang Mama at Papa niya para magustuhan ako.
Hindi ko naman puwedeng idelete sa utak ni Jessica yung bad past niya para sumaya siya ulit katulad ng dati.
Anong gagawin ko?
Ang tanong,
May magagawa ba ko?
Parang wala. Lalo na sa parents niya.
Kay Jessica puwede pa. Yun nga lang kailangan ko tiisin ang topak niya.
Pero paano pag ganito?
Siya na mismo ang nagtataboy sa akin.
Alas siyete na ngayon ng gabi. Si Mario nagpaparamdam na ng pagkainip.
May parating na mga sasakyan.
Isa,
Dalawa,
Pito?
May nakatricycle pa. Nagpaservice papunta dito?
😅😅😅
Merong may dalang prutas na akala mo dadalaw sa may sakit,
Merong nakapolo na pink na akala mo dadalo ng prom.
Merong may kasama pang magulang, anuto? Graduation?
Merong naka-neck tie pa na parang pupunta sa job interview.
"Ano YM? Makikipila din ba tayo?"