Chapter 14

4.1K 158 18
                                        

Deanna









"Deanna sige na! Samahan mo na kami!"



Buwisit naman oh!

Natutulog yung tao eh!

Bumaling ako sa kabila.





"Aray!!!"





Putangina! Dinaganan ako ng kalabaw! Nagulat lang ako, sa bandang puwet naman yun at malambit naman ang kama.







"Boss D okay ka lang?!"

Si Mario nataranta agad.












"OA mo Mario ah! Ginigising lang namin si Deanna!"


Sabi ni Tots.











"Ah ano kasi eh, puyat si Boss D. Anung oras na yan natulog kagabi. Baka hindi talaga yan sumama. Beast mode pa yan pag nagkataon."









Kahit alas siyete pa lang kagabi tulog na ko?

Ayoko lang talagang sumama. I'm just pretending to be sleepy.

Ano naman kasi ang gagawin ko sa  BEG?

Tutunganga?

High school pa lang kami lagi na kami tumatambay dun. Madalas nanonood lang kami ng training.

Literal na natutulog lang ako pag pumupunta kami dun.







Tryouts nila ngayon. Pasok naman na sila. Formality na lang yun.

Bakit kailangang isama pa ko?










"Sige na Deanna, one week na lang pasukan na oh! Di pa tayo nakakapagbonding!"








Bonding?

Eh baka tumulala lang ako buong araw dun!

Anong klaseng bonding ba pinagsasasabi ng mga to?

Kung inaya nila akong magTagaytay o magAntipolo, baka sumama pa ko eh.

Kaso BEG?














"Madaming girls dun Deanna! Baka mahanap mo na yung bibinyag sayo!"



Gago!







Buti na lang nasa ilalim ng unan ko ang phone ko. Daming text ni Mario. Natataranta sila dahil dinadaganan ako at hinahampas ng unan nila Tots at Bea para 'magising' ako.

Nagtext sila kagabi. Naisip ko na baka kahit sinabi kong ayaw ko eh mangulit pa rin sila. Kaya dito ako natulog.

Di nga ako nagkamali.











"Deanna, may mga players na nirecruit galing sa provinces. May taga Bicol, Ilocos, Davao, Laguna at Cebu."











Parang nagising ako sa Laguna ah.

Pwede kayang makasali si Jema?

Kaso third year college na yun ngayon.

At hindi niya nabanggit kahit minsan na mahilig siya sa sports.

Ang alam ko, pagkanta ang hilig niya.











"Look guys, wag niyo na ko isama. Please naman oh?"










Nakikiusap na ko!

I Love And Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon