Jema
Paglabas namin ng kuwarto ko, nasa lamesa na sila.
My family.
Kumpleto kami.
Naalala ko yung kinuwento ni Deanna.
😥😥😥
"Maupo na kayo Jema. Deanna halika na at magmeryenda. Salamat nga pala at dinala mo dito ang mga anak ko."
Si Papa. Nakangiti siya kay Deanna.
"Wala po yun Tito. Alam kong gusto nilang magbakasyon kahit sandali lang."
😊😊😊
Ganyan nga B. Kuhanin mo lang ang loob nila.
In time you will gain not just a wife, but a family.
Sisiguruhin kong mamahalin ka din nila kagaya ng totoong kapamilya.
"Ginataang bilo-bilo? Kanina diba kaldereta yung dapat na lulutuin niyo? Saka matagal to iprepare diba?"
Tanong ko sa kanila.
"Binili lang ni Mama yan Jema. Nung tinawagan namin at binanggit na nandito ka, sabi namin bumili ng meryenda. Kaya ayan, favorite ni Mafe."
Wait lang,
" Puro ako yung kinuwento niyo tapos pagdating sa pasalubong paborito ni Mafe? Bakit hindi biko? O kaya sapin-sapin? Yun ang favorite kong meryenda ah!"
Okay din naman ang bilo-bilo. At charot lang na nagseselos ako 😉.
"Ate! Naririnig mo ba ang sarili mo? Alam mo ba kung anong kalbaryo pinagdaanan ko sa pagtira natin sa iisang bahay? Ngayon-ngayon lang ako nakakatikim ng mga totoong pagkain nagseselos ka pa?"
Haaay nako...
Eto na naman siya.
"Di ka pa ba napapagod kakareklamo sa luto ko? Ilang araw ka na gumaganyan ah!"
Medyo naaasar na ko eh.
" Hanggat di ka napapagod kakapakialam sa kusina, di ako mapapagod kakareklamo! Yun na nga lang nagagawa kong panabla sa pagpapahirap mo eh."
😅😅😅
"B! Inaaway ako lagi ni Mafe oh! Hindi ba talaga ko masarap magluto?"
Nakabibinging katahimikan.
Lahat sila nakatingin kay Deanna.
