Chapter 2

6.1K 169 49
                                        

Jema










"Congrats Jema!"

Sabi ng mga classmate ko. Ngumiti lang ako sa kanila.

Nanalo na naman kasi ako sa singing competition, interschool division naman ngayon. Next month ay sa City Meet na.

Sana umabot hanggang dulo-

National level naman.

Grade 8 student ako sa San Pedro Science High school.

Hindi naman kami mahirap. Sakto lang. Principal III na ang Papa ko at Principal II na si Mama. Elementary schools ang hinahandle nila.

Malaki na ang suweldo nila bilang mga guro sa public school.

Pero sa public din ako nag-aaral. Hindi tulad ng iba na kahit Teacher I
lang pinagpaprivate na ang anak.

Sa Science School ako pinag-aral dahil pumasa ako sa entrance exams.

Hindi kasi lahat ay nakakapasok dito. Hinuhubog kami bilang future engineer, doctor, at kung ano-ano pang kurso na maraming math at science.

Suportado kami ng gobyerno. Libre lahat; sapatos, uniform, bag, school supplies, may allowance din kami.

Grade 8 na ko. Accelerated ako ng dalawang taon.

12 years old pa lang ako di tulad ng mga classmates ko na 14 na, kaya siguro walang gustong makipagkaibigan sa akin.


😥😥😥

Pag may na-a-achieve ako, dun lang may pumapansin sa akin.

Pero pag ordinaryong araw, wala.

Kaya lagi akong sumasali sa mga contest.

Singing, declamation, speech, quiz bee, lahat yan nasalihan ko na.

Yun nga lang may downfall din yun.

Pag natatalo ako. Parang galit naman sila sa akin.

Nagpaparinig sila na parang nagdala ako ng kahihiyan sa school namin.

Kaya pinagbubuti ko talaga.

Itong pagkanta ang isa sa talent na kinakarir ko.

Nagtake ako ng music lesson, kinaya ko ang schedule noon kahit halos  tulog na lang ang pahinga ko.

Pag may trainings din sa mga contest ay ganun din. Maaga na ang alas siyete na paguwi ko ng bahay.

Kahit sabado at linggo ay hindi ko sinasayang.

Nag-aaral pa rin ako.

Marami kaming encyclopedia sa bahay.

Subscriber din kaming Time Magazine at Reader's Digest.

Wala namang expectations ang parents ko sa akin. Ako lang talaga to.

Sa kabila ng mga achievements ko sa school, hindi ako katulad ng iba na nangangarap maging abogado, doktor o engineer.







Gusto kong maging pulis.

Bakit?

Pag tinatanong ako, lagi kong sinasagot yun ng:

Gusto kong mabawasan ang injustice sa bansa natin.

Sabi nga ng kanta ng Bamboo,

Hangga't may tatsulok, hindi matatapos ang gulo.

Gusto kong makatulong sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Gusto kong magbigay ng katarungan sa mga pinagkaitan.

I Love And Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon