Chapter 10

4.5K 172 47
                                        

Deanna





"Ah Dad? Puwede ba kong pumunta ng Laguna?"

😬😬😬







"Laguna? Anong gagawin mo dun?"

Sasabihin ko ba ang totoo?








"Si Jema kasi Dad eh. Nagtitinda siya ng ice candy. Gusto kong bumili?"

😝😝😝

Natawa si Daddy sa akin.








"Haaay Deanna. Kung gusto mo ng ice candy, magpabili ka na lang. Akala mo ba sa Ortigas lang yun?"


😢😢😢








"Sige na Dad please? Si Jema kasi eh, isang linggo na yung ice candy niya di pa nauubos."

Kawawa naman siya. Inaaway na raw siya ni Mafe dahil nga epic fail yung suggestion niya.






"Baka kasi hindi masarap at mahal?"

Magkano nga ba yun?






"Ten pesos daw Dad. Mahal daw kasi ang ingredients at malaki naman daw yun kumpara sa ordinaryong ice candy."


Yun ang sabi niya eh. Mas mura naman daw yun kesa sa shake.






"Anu-anong flavor ba yung tinda niya?"

Hmmm...






"Chocolate sundae, cookies 'n cream at spicy apple."

Ang hirap basahin ng reaksyon ni Daddy.







"Hmmm...

Alam mo anak, okay lang na mag-innovate ng mga pagkain lalo na kung sa negosyo. Pero alam mo naman ang mga tao, ano ba ang hinahanap nila sa pagkain? Masarap at mura. Mahal yun kung tutuusin pero kung masarap naman yun, may pag-asang tangkilikin yun ng tao."

😊😊😊






"Kaya nga Dad eh. Gusto kong matikman kaya gusto kong bumili please?"

Sana pumayag!






"Sige ganito na lang, papayagan kita."


Y E S ! ! !






"Sa isang kondisyon."


😶😶😶

Ay...







"Hindi ka puwedeng magpakita sa kanya."

😧😧😧



Anubayan!


Ano kaya yun!







"Bakit naman ganun Dad? Makakapunta ako ng Laguna pero di ko siya pwedeng makausap?"

Haaay...







"Deal or no deal? Pupunta ka dun pero ang purpose mo lang ay tikman ang tinda niya. Tapos kung tama nga ang hinala ko na hindi yun masarap, gumawa ka ng paraan na i-suggest sa kanya na iba na lang ang itinda."


Ganun...

Akala ko pa naman makakausap ko siya.






"Anong mangyayari sa tingin mo? Pag nakita niya na nagawa mong pumunta dun kahit taga Manila ka, magtatanong siya. Remember the rules Deanna."

I Love And Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon