Chapter 4: NEW

1.9K 69 0
                                    

DEDICATED TO SHERYN AVISO SOCORIN (SHERYN DELA VEGA)😊😊😊 AND AGAIN TO JAIMIE FRANZ MARIE SUELLO (CAYNE AT FREAKXY)😆😆😆 AND ALSO TO JENNY LHOU BARQUIN NAVARROZA (NATHALIE)😜😜😜 MARAMING SALAMAT SA INYONG TATLO SA WALANG SAWANG PAGSUPORTA😍😍 MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG MOTIVATIONAL MESSAGES NYO😇😇 THANKS FOR BEING PART OF MY JOURNEY👏👏😍😊 SANA PO MAGUSTUHAN NYO😎😎😎











Jhea POV

"Hindi yata pumasok kaya 'di mo nakita!!" Wala sa sarili akong napanguso kay Trix, maging kay Daryl na nasa kabilang side nya. I sigh bago maupo sa tabi nya.

Hayst! Ano pa nga ba? Talaga namang 'yon ang dahilan kung bakit 'di ko nakita ang dalawang mabait kong Ate kahapon. Oo nga at malawak ang WA, pero napaka-imposibleng hindi magtagpo ang landas namin sa maghapon, lalo na at maging ang mga taga West College na sina Jairen, Madison, Zach, Klein at kung sino pa man na mga kolehiyo sa grupo nila ay madalas pa rin sa West Academy.

"Nakakainis!! Sila pa naman ang inaabangan ko kahapon!!" Pare-parehas kaming napatalong tatlo ng lumipad ang isang sapatos sa harap namin. Malulutong ang naging mura ni Daryl, Trix at gano'n na rin si Xan. "Ano ka ba!!" Sigaw ko kay Vince na naka-apron pa rin at mukhang tuwang tuwa pa.

"Bilisan nyo na kasi. Mali-late na kayo oh!!"

"Ang hilig mong paliparin yang sapatos mo noh!? Akala mo mabango!!" Napabaling kaming lahat kay Liam, natakpan ko ang bibig ko para magpigil ng tawa ng sa unang pagkakataon yata ay nakita ko ang grabeng pagsasalubong ng mga kilay nya.

"HAHAHAAHAHAHAHAH"

"Hahaha!! Ang laki ng problema natin ah!! Hindi ba naka-shoot?" Nagtawanan na naman sila samantalang ako ay bahagyang napangiwi. Ano na naman kayang maduming mensahe ang nakapaloob sa sinabing 'yon ni Trix? Iritadong pinalis ni Liam ang nakaakbay na kamay nito.

"Tara na!!" Nauna syang lumabas sa amin. Nagkatinginan kami bago ako muling mapabungisngis. Anong problema nya?

"Jhe oh!!" Napalingon ako. Mabilis kong hinawi ang buhok ko para maisabit ng maayos ni Bryle sa mga tenga ko yung tangkay ng black facemask na may burda na 'Princess' sa loob, isinuot naman ni Xan sa akin ang kulay black din na cap ko, si Trix naman ang sa shade kong may kulay silver na metal frame, at si Vince ang tumulong sa aking masuot ng maayos ang gray kong jacket.

"Hayst! She can handle herself. Hindi nyo na sya kailangang pagsilbihan na parang prinsesa!" Bahagyang tumabang ang matamis kong ngiti ng marinig ang masungit na boses na 'yon ng kakarating lang na si Clyde. Nakataas ang mga kilay nya sa akin habang patuloy sa pagnguya ng naka-roll na ham sandwich.

"Epal to!!" Pinakita ko talaga sa kanya ang pag-irap ko para makita nyang naiinis ako. Kahit kailan lagi nalang syang kontrabida. Ano bang problema ng isang 'to? Lagi nalang nya akong sinusungitan kahit wala naman akong ginagawang masama.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon