Chapter 56: MEETING

558 29 0
                                    

Jhea POV

"Mugtong mugto ang mata mo" Matabang ang boses nya habang hinahaplos ang mata ko gamit ang kamay nyang nakaakbay. "Magdamag kang---" Bigla akong umiyak. Naramdaman ko ang paninigas nya. Pareho kaming napatigil sa paglalakad dahil sa biglang pag-iyak ko. "Jhe!!" Marahan nya akong dinala sa dibdib nya. Nanlalambot kong mas nilakasan ang pag-iyak.

Natatakot ako!! Takot na takot ako sa posibleng dahilan kung bakit kami mag-uusap usap ngayon. Matabang at walang buhay ang boses ni Xan, ang masiglang si Xan, kaya ibig sabihin hindi pa din okay. Mag-uusap ba kami ngayon dahil tuluyang bubuwagin ang pinakamamahal kong grupo?

"X-Xan!! S-Sisi---- huhuhuhu s-sisirain---" Hindi ko na magawang magsalita. Tanging pag-iyak nalang ang kaya kong gawin.

"Shhh! Kumalma ka na muna ha!! Wag mong takutin ang sarili mo" Paano akong kakalma? Hindi ako binibigyan ng dahilan ng ekspresyon mo para kumalma. Xan!! Kung maayos na ang lahat bakit ganyan pa rin ang timpla ng mukha mo? B-Bakit parang malungkot ka?

Nagpatuloy kami sa paglalakad kasama ang pigil kong paghikbi. Pinilit kong ikalma ang sarili gaya ng sinabi nya. Nakaakbay sya sa akin sa buong paglalakad namin. Nagsimula akong magmasid sa paligid ng mapansing sobrang tagal na yata naming naglalakad.

"Saan ba tayo pupunta Xan?" Tanong ko. Napasulyap ako sa mga tuyong dahon na natatapakan namin. Napatigil ako dahil hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Nasaan na ba kami? "Xan saan ba tayo pupunta?" Pag-uulit ko habang patuloy nagmamasid.

Nasa isa kaming talahiban. Nilingon ko ang pinanggalingan namin at malayo na mula dito ang buhanging daanan ng rest house namin. Muli akong bumaling sa harap. Puro mga damo lang talaga ang meron, at sa pinakaharapan namin ay mas matataas na damong lagpas tao na kaya hindi ko na makita kung ano ang posibleng nasa likod no'n.

"Xan" Naiinis kong tawag sa kanya dahil tahimik lang sya

"Mag-uusap nga tayo!!" Seryoso pero may inis na sagot nya. Ngumuso ako, pilit winawaksi ang kaba sa dibdib. "Tara na!!" Hinawakan nya ako sa pulso at muling hinatak. Binaybay namin ang matataas na damo.

Saan ba talaga kami mag-uusap? Sa damuhan? Gusto kong magreklamo dahil sa makating epekto ng damo sa balat ko. Hinahawi iyon ni Xan pero hindi sapat para hindi dumikit sa akin. Magtatanong sana ulit ako pero hindi na natuloy ng makarating kami sa dulo ng matataas na damo. Ramdam kong pinapagpagan ni Xan ang buhok ko pero wala doon ang atensyon ko, nasa paligid.

Nagtataasan ang malalaking puno sa paligid na may malalagong dahon. Binalot ng parehong tuyo at sariwang dahon ang lapag ng lugar na ito. Sobrang tahimik din kaya hindi nakakapagtakang halos marinig ko na ang huni ng mga ibon. Maganda ang paligid, nakakamangha pero at the same time ay nakakatakot.

"Bakit dito pa tayo mag-uusap usap? Pwede namang sa rest house nalang?" Natatakot kong tanong bago yumakap sa braso nya. Tahimik pa rin sya. Ang weird nya ngayon. Tiningala ko sya. "Xan naman eh!!" Takot ko na talagang sinabi. Namumula ang mukha nya. Maya maya lang ay bigla syang malakas na tumawa.

"Wahahahahaha sorry Jhe, nakakatawa kasi ang reaksyon mo eh" Napasimangot ako. Muli nya akong inakbayan at inakay para muling maglakad. "Honestly Jhe hindi ko din alam kung bakit dito. Naiinis nga din ako dahil ang layo layo nito sa safe house nyo, puro pa damo. Ang creepy pa!!" Malalim syang bumuntong hininga bago tumigil sa paglalakad. "At ang pinaka nakakainis pa ay buwis buhay ang pag-akyat!!!" Napatingin ako sa malaking punong hinintuan namin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin kong puro lang naman puno ang nandito, wala akong makitang bahay o anumang lugar kung saan posible kaming makapag-usap.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon