Chapter 26: SHOWY

702 33 0
                                    

DEDICATED TO DEVIE LACAMBRA😊😊😊HELLO TO ONE OF MY FAVORITE AND UNFORGETTABLE READERS AS WELL AS PAL😍😍😍 THANK YOU NG MARAMI UNANG UNA SA PAGBABASA NG BW8G AT PG😄😄😄 SALAMAT SA WALANG SAWANG MENSAHE AT PAGCHICHEER-UP SA AKIN😃😃😃 SALAMAT SA PANANATILI HANGGANG HULI😎😎😎 ISA KA SA MGA TAONG NAGBIGAY PA SA AKIN NG INSPIRASYONG TUMULOY SA KABILA NG MARAMING PAGSUBOK😉😉😉 KAYA THANK YOU TALAGA💙💙💙 WAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA😂😂😂 THANK YOU ULIT NG MARAMI❤❤❤

Jhea POV

"Goodbye class"

Muli kong sinulyapan ang kabilang linya ng makalabas na si Sir Alviar. Malinis pa rin iyon. Nasaan na ba sila? Wala namang dahilan para umabsent sila.

"Good morning GAS12-1" Mangha akong napabaling sa harapan ng marinig ang pamilyar na boses ni Miss Jandayan. Ngumiti sya ng magtagpo ang mata namin na agad kong sinuklian. "Ma'am Natia is sick kaya ako muna ang magiging instructor nyo sa PerDev for the whole week. Hope na maging cooperative kayo!!" Nakarinig ako ng ilang sipol at masayang reaksyon, iyon ay dahil hindi si Ma'am Natia ang teacher namin ngayon.

Nagsimulang magturo si Miss Jandayan. Akala ko ay gaganahan akong makinig dahil sya ang nasa harapan pero hindi pa rin, talagang nanghihina ang katawan ko at gano'n din ang utak ko.

"Jhea" Halos bulong ng tawag ng katabi ko kasunod ang pagkalabit. Gulat akong napalingon kay Mhelonie, its been 2 weeks mula ng hindi na nila ako pansinin, kaya nagulat ako sa pagtawag nya sa akin.

"Bakit?"

"I just want to ask something!!" Nakaukit ang excitement sa mukha nya habang nakatingin sa akin. "Be honest okay?" Bahagya akong natigilan. Bakit pakiramdam ko ay tungkol sa Poisonous Gang ang itatanong nya?

"Are you living with Poisonous Gang?" Desidido ang paraan nya ng pagtatanong. Hindi ko sigurado, kung epekto lang ng pagtatanong nya, o literal talagang humina ang boses ni Miss Jandayan. Parang bula ding naglaho lahat ng mahihinang tunog sa pandinig ko.

Pinilit kong itago ang gulat habang nakatingin sa kanya. Nagtataka ako. How does she able to form that query? Do they have clue about my connection with them? Alam kong simula nung araw na pumasok ako kasabay sina Liam, Bryle, Xan and Ice ay hindi na namatay ang issue tungkol sa akin at sa Poisonous Gang. Hindi ko lang madalas marinig dahil natatabunan iyon ng mga usapan tungkol sa mga nangyayari sa pagitan ko at ng mga bullies dito. Ngunit akala ko ay tuluyan ng namatay ang usapan na iyon, hindi pala.

"K-Kasi---" Mas lumapit pa sya sa akin. Even me can't help to move closer so we can talk silently. "Tito Drale and Tita Reila fetch Daryl last time ahmm---- I don't remember the exact day!!" Maybe that was last last week where Daryl need to go home for family dinner. "Kasama nila iyong isa sa cousin ko, and she said Daryl kiss your cheeks. I thought nagkakamali lang sya when she tell its you" Puno ng kaguluhan ang mukha nya ng tumingin ulit sa akin.
"Hahayaan ko nalang sana pero nung makita kong hinalikan ni Ice yung noo mo I realize maybe she's right, its you. And may nakakita din sayo sa garden kasama sina Liam, Xan and Bryle and you were talking while they helping you to clean the garden. Tapos nakita ko rin si Liam last time na nasa harapan ng ladies restroom then I ask my companion why he's standing there like some guard then all of a sudden bigla kang lumabas doon and the two of you talk comfortably!! Atsaka oo nga pala, diba pinagtanggol ka din niya sa Dean no'n sa cafeteria? Hindi sila mahilig mangialam so why?" Ibig bang sabihin kahit pa hindi kami naglalapit ng PG may napapansin pa rin sila? Meaning to say those little action of us give them a hint? Bakit naman kasi ang dami nyong fans? "You have a little business with them? Tell me anong koneksyon mo sa kanila Jhea? Sa Poisonous Gang?" Napatitig ako sa kanya sa tanong nyang iyon. Anong koneksyon ko sa PG? "Okay okay let me rephrase my question!" Maarte nyang hinawi ang mga nagkalat na buhok sa mukha nya pagkatapos ay mas lumapit pa sa akin. "Are you living in PFH?" Nagsalubong ang kilay ko. Anong PFH?

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon